tanong sagot 15

mga tanong na uhaw sa sagot.
jncbrn.com/problema

T. mas masarap mag-jowa ng tomboy…tama/mali?
S. hindi ko alam ang kahulugan ng masarap sa’yo. masarap sapakin? tama.

T. tuluyan mo na ba talagang tatalikuran ang patuka tumblr mo?šŸ˜¦
S. ikinalulungkot kong oo.

T. ako parin to about sa GRO. pano kung nag start na kayo mag jam sa labas, at nakita mong okay naman ang kanyang pagka tao, nagkataon nga lang na GRO sya, pipigilan mo ba ang nararamdaman mong love? –pen
S. bibigyan kita ng timbangan, ‘yung isang ilalagay mo dun dalagang pilipina, probinsyana pero mukhang hindi irerespeto ang mga magulang mo dahil ganun kung tratuhin n’ya ang mga magulang n’ya, boring din s’yang kausap dahil ang gusto n’ya s’ya lang ng s’ya ang nagkukuwento. ‘yung isa naman sa kabilang parte ng timbangan isang babaeng ok naman ang pagkatao, masarap kausap, at paniguradong makakasundo mo pero GRO s’ya.. sa tingin mo sino ang mas magiging matimbang sa kanilang dalawa?

T. mahirap talagang makalimot, ako na ang nagdecide na lumayo pero ako pa tong naghahanap sa kanya. January pa yung huli kong pagpaparamdam sa kanya. Hirap talaga lalo na kapag alam mong balewala ka lang talaga sa kanya. tingin mo merong madaling paraan dto?
S. walang madaling paraan pero maraming siguradong paraan umpisahan mo lang sa pagtanggap. pagtanggap na wala na talaga at pagtanggap na hindi mo dapat pinagbubuhusan ng oras ang isang taong binabalewala ka lang. pagtanggap na kailangan mo ng isentro sa ibang bagay ang atensyon mo at pagtanggap na kailangan mo ng magsimula ng bago ngayon pa lang.

T.
May inaasahan akong isasagot mo sa tanong ko, parang nabasa ko na kasi sa isa sa mga blog mo to pero di ko sure kung ikaw nga yun, tinatamad nako tumingin ng archive entry mo. pero “kung” Isasantabi mo lahat ng mga magandang naging resulta ng maaga mong pag aasawa, kung bibigyan ka ng pag kakataon gagawin mo ba ito ulit? nasapunto kasi ako ng kaguluhan kung makiki uso ako para maging isang “conventional” sa mundong ginagalawan ko. hirap kasi humanap ng babaeng marunong umunawa.
S. hindi mo p’wedeng isantabi lahat ng magagandang naging bunga ng maaga kong pag aasawa, natural ang matitira dun ‘yung masasama at pangit. hindi magandang laban ‘yun. ganito na lang, kung ano ‘yung mga masasama at pangit na ‘yun naniniwala akong malaking tulong ‘yun para maging kung anong uri ng tao ako ngayon. napakalayo ko para maging perpekto sa lahat ng bagay o sa lahat ng role bilang tao (asawa, anak, ama, empleyado, pinsan, kaibigan, kasakay sa jeep) marami kang maipipintas sa akin tungkol d’yan pero naniniwala ako na ‘yung mismong kahinaan na ‘yun ang nagpapalakas sa akin bilang tao, dahil kahit alam kong imposible pinipilit kong gampanan lahat ng bagay na ‘yun sa perpektong paraan. kung hindi man nagiging sapat madalas sa ibang tao ‘yung ginagawa at pinapakita ko wala na sa akin ang problema dun nagkataon lang siguro talaga na may hinahanap pa ang tao na ‘yun na talagang magpupuno ng mga kulang sa kanya at nagkataon na hindi ako ‘yun.

T. bkt yung mga amerikano sa porn umaabot ng 20mins bumabayo bago labasan? at yung iba jinajakol pa bgo lumabas.
S. may napanood ako dati na behind the scenes ng isang porn, hindi naman sila dire diretso talaga, pahinto hinto din at syempre naeedit na ‘yun para hindi ka mabitin. bakit sinasaltikĀ  pa? para ipakita sa’yo ‘yung lumalabas. pero seryoso, 20 minutes? ganun ako kabilis pag sa nakapark lang na sasakyan kami tapos kailangang magmadali sa takot na mahuli.

T. bakit nilalangaw na ang kwentongtambay.com? dahil ba sa hopless case na simpleng siraulo lang talaga si Jay David?
S. wala akong idea. seryoso, wala pa akong nababasa na kahit isang entry n’ya.

T.
dahil aligaga kung gumana yang karne sa loob ng bungo mo… Sensitive ka ba? naiirita ka ba pag pinapagalitan ka o pag napapatunayang mali ka. panu ka tumanggap ng pagkatalo sa argumento?
S. hindi ako natatalo sa kahit na anong argumento dahil hindi ko sisimulan ‘yun kung hindi ako sigurado sa pinaglalaban ko at hindi ko ‘yun kayang panindigan. depende sa nagagalit at intensyon nung nagagalit. oh at ‘yung dahilan na rin kung bakit.

T. may mga rockstar ka bang mutor?
S. wala, takot ako sa mutor.

T. nakakautang ba dito? hanggang magkano ang maximum loanable amount? LOL – an_indecent_mind
S. errrrrr

T. cabronie! tst mo naman ako, 0999511474_. yoko mag email sayo at baka mahack mo ulit account ko.. seryosong gusto ko dn maging kaibigan ka, balikan ang nakaraan, gumawa ng baby, at madagdagan ang ka-yummy-han mo sa utak ko.. bwihihihihi
S. parang ibinaon mo na ang isang paa mo sa hukay. pero sige’

T. magaling ka bang mag english
S. none po.

T. Ano ang pinagkaka abalahan mo ngayon?
S. nag aaral pa rin akong mag drive, naglilipat nitong blog sa bagong host. tsaka ‘yung mga the usuals..

T. Bakit hindi na kayo masyadong nagsusulat sa blogšŸ˜¦
S. busy lang, sir / mam

T. Totoo po ba na kapag mahina ka sa Math Subj. like trigonometry is hindi ka pwedeng maging IT? Hindi ka daw magkakaroon ng magandang future.
S. hindi totoo ‘yan, ‘yung boss ko nga ibang course ‘yung kinuha pero manager ko s’ya sa IT ngayon, ‘yun pa kayang mahina ka lang sa trigo. tsaka ano ba ‘yang putangenang trigo na ‘yan? bugtong bugtong lang ng mga henyo nung unang panahon ‘yan e.

T. ok lang ba ipost sa facebook yung mga patuka sa utak????
S. ayos lang naman pero s’yempre babanggitin mo dun kung saan galing ‘yung patuka na ‘yun, para kaseng hindi direktang pag aangkin na rin ‘yun ng isang bagay na hindi sa’yo pag hindi mo ginawa. hindi sa pagdadamot at pagyayabang ‘yan ha’ iniiwasan ko lang na ako ‘yung mapag bintangan na nangopya pagdating ng araw, basta ‘yun lang naman, ibigay lang ‘yung kredito wala namang problema. pero sino bang niloloko natin ‘di ba? internet naman ‘to baka nga ngayon pa lang naka post na sa facebook mo ‘yung ilan dun, ano namang habol ko sa ‘yo? basta isa lang, kalimitan ng namamatay na nagiging anghel, sila ‘yung mga nagpapaalam sa mga bagay na ginagamit nila na hindi sila ang nagmamay ari nung nabubuhay pa sila.

T. huwag kang magagalit ha? totoo ba yung liham pagibig na blog mo o likha lang ng mapaglaro mong utak?
S. totoo, katibayan? eto.

T. ano ang totoong dahilan ng pagtalikod mo sa patuka.tumblr.com? hindi kaba nanghihinayang talaga? sayang kase
S. andaming batang babae sa tumblr e, natatakot akong baka mahulog ang loob nila sa akin.

tnx mofos!
Jon Cabron
jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “tanong sagot 15”

Sarado na ang mga puna.