syet

“high school pa lang ako sanay na akong magpunta sa mall ng walang kasama, ang totoo mas madalas nga na mas nageenjoy pa akong magpaikot ikot dun ng mag isa lang ako. madalas pag napagod na akong lakarin ang buong mall umuupo lang ako sa isang tabi at pinapanood ko ‘yung mga tao, nasisiyahan akong panoorin ang mga tao sa mga sitwasyong hindi nila alam na may mga matang nanonood sa kanila. natutuwa akong pagmasdan sila sa mga natural nilang kilos at natutuwa akong panoorin ang mundo sa kunyaring sitwasyon na wala na ako dito..”

binisita ko sa clinic ang resulta nung nakaraang obligadong medical dito sa kumpanya namin. aminado akong hindi naman ako nagulat sa mga nadiskubreng sakit sa akin dahil sa loob ng mga nakaraang taon e  pareho lang din naman ang resulta, ang nadagdag lang ngayon meron daw pamamaga ng bituka .. na hindi pa rin ako nagtataka dahil talaga namang sagad sagad ako sa inom nitong mga nakaraan, nabigla lang talaga ako dun sa bilang ng mga gamot at sandamukal na batas na ibinigay sa akin nung duktor.
bawal ang maalat dahil nakakataas ng dugo ‘yun, bawal ang matamis dahil mataas ang sugar, bawal ang mamantika at karne dahil sa cholesterol, at bawal ang mga mani at mabutong gulay dahil sa uric acid. at kailangang umiwas sa kanin, alak, at yosi. seryosong, hindi ko na lang kung ano pang pwede kong kainin o gawin. kaya sa kauna unahang pagkakataon, kusa akong sumailalim sa kagustuhan ng duktor… lahat naman tayong mga lalaki may pantasya sa mga duktora na seksi ‘di ba? kalimutan mo na ‘yang huli kong sinabi.

05132010412-150x150

nakakahilo ‘tong gamot na ‘to. pakiramdam ko lagi akong babagsak na lang bigla lalo na pag naka tayo lang ako at hindi gumagalaw. isa pang epekto nitong gamot na ‘to maya’t maya akong nagugutom saktung sakto dahil ang payo nung duktora sa akin e ‘wag akong magkakain. apat ang gamot ko, tig dalawang hinati sa umaga at gabi. naaalala ko ‘yung usapan namin ni dok nung umagang ‘yun.

papasok pa lang s’ya napansin ko ng may itsura s’ya. at makailang ulit ko ng sinabi dito sa blog ko, unang tingin ko pa lang sa babae alam ko na kung kaya ko s’ya o hindi. oo, nagyayabang ako nung sinabi ko ‘yan, ‘wag kang mangelam.

Doktora: alam mo ‘wag mong ipagwalang bahala, baka makita ka na lang namin na nakabulagta ka na lang sa isang sulok d’yan.
JonCab: ibig sabihin ba talaga n’yan buong buhay na akong hindi pwedeng uminom ng beer?
Doktora: mag red wine ka na lang kase, shot lang maganda pa sa puso mo ‘yun.
JonCab: …..
Doktora: ‘wag ka ng pabulong bulong d’yan, mukha naman nagpakasawa ka na kakainom kaya ka umabot sa ganyan e, o ngayon eto na ‘yung katapusan. tama na.
JonCab: …. (ako lang ba o parang hindi na galing sa libro ‘yung sinasabi ni dok, parang sa puso na nanggagaling ah)
Doktora: reresetahan na lang kita ng gamot, siguraduhin mong iinumin mo ‘to at susundin mo lahat ng ipagbabawal ko.
JonCab: (..sweet)
Doktora: sabi mo matagal mo ng alam na may high blood ka, anong niresetang gamot ng duktor mo dati?

.. may apat na minuto ko yata binalikan sa memorya ko ‘yung pangalan ng gamot bago may kumislap sa utak ko.

JonCab: qinolon po dok ang naaalala ko, tama ba? ‘yung mahigit sinkwenta pesos ang isa.

.. ako lang ba o talagang may sumungaw na ngiti at mabilis na nagtagong pinigil na pagbungisngis sa bibig ni doktora?

Doktora: bibigyan na lang kita ng bago. blah blah blah

nasa bahay na ako palaisipan pa rin ‘yung naging reaksyon ni dok pagkasabi ko sa dati kong gamot. kaya kinonsulta ko ang nanay ko.

JonCab: ‘di ba qinolon ang gamot ko dati sa high blood?|
Gng. Cabron: tanga!
JonCab: hindi ba? pamilyar e, san ba ako naggamot nun dati?
Gng.Cabron: sa tulo mo nung high school ka.

… ohoooookward.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “syet”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s