isang liham pagibig

hindi inaasahang bagay ang natanggap ko ngayong umaga ng huwebes. naghalo ang gulat, pagtataka, at konting kilig sa sistema ko habang binabasa ko ang sulat na ‘to .. ng ilang ulit.
pasensya na sa sandamukal na typo errors, ‘yan ang isang pangkaraniwang diprensya ng mga babaeng nai involve sa akin dito sa mundo ng internet. pasensya na rin kung putol putol, kesa kase iemail n’ya ‘yung mensahe n’ya pinira piraso n’ya na lang sa formspring ko .. ‘yan pa ang isang pangkaraniwang ugali nila .. engot. .. loljke, matiyaga.

” nakilala kita nuong taong 2005, dhil ng scandal ni ethel booba, hindi ka pa si mr.cabron nun, nainlove ako sayo nun kahit alam kong pamilyado ka at ni hnd k nakita khit larawan m, tas bigla ka nawala, 2 years kitang hinanap hanggang sa tuluyan na akong sumuko.
2008 na yata yun nun accidentally nahanap kita kay google nun nisearch ko ang calamares. hindi ko pa alam na ikaw un, kc ikaw na si jon cabron,pero sa pagbabasa ko sa mga entries mo, unti unti ktang nakilala, wlang basehan ako pero cguradong akong ikaw un
alam na alam ng puso ko na ikaw un,ikaw na first love ko sa mundo ng internet.ibang tao ka na, malinis na blog na ang pinasok mo, pero ganun pa rin ang dating mo, iba ka JC. alam ko hnd mo kelangan ng compliment pero gusto kong sbihin na i am proud of u.
nakilala kta, kakagraduate ko p lng sa hayskul, ngaun ay 1 taon na akong graduate sa kolehiyo at 1 beses na dn bumagsak sa board exam, pero i still can’t get over you. nun nagkaron ako ng bf, sigurado akong mahal k sha kaya pansamantala kita nalimot..
dati ko pa gusto mgsulat sa cbox mo, basta khit san na pwde ako mgcomment. ang totoo, hindi ko alam kung bakit ko to nisasabi sayo. siguro kasi gusto ko na makamove on syo. o cguro kc itunuring kitang close friend n iba ang pitik sa puso ko.
mr. cabron, i oweis felt i miss you. now,i really miss u. maaaring mpahiya p ako sa ginawa p akong ito,pero eto ung makakagaan ng pakiramdam sa nararamdaman ko sayo e.neways, pasensha ka na ha.bahala ka na sa mga sinabi ko ha. sorry.

PS: niprint ko dati ung usapan natin sa ym, thou pakiramdam ko napaka-stupid ng ginawa ko, hanggang ngaun nitatago ko pa rin un.. hayz cabron, yummy mo tlgang alalahanin. lolness bye”

kung sino ka man,
una ang lahat, gusto kong magpasalamat sa pagbibigay mo ng oras para ihayag ang gusto mong sabihin, salamat din sa mga papuri at sa “paghanga” proud din ako na proud ka sa akin. sa totoo, wala akong kahit katiting na idea kung sino ka at muntik na nga kitang hindi paniwalaan kung hindi ka lang nagbanggit ng ilang mga mahahalaga at balidong impormasyon. hindi ko alam kung anong meron tayo dati pero isang pagpapatunay ‘yun kung gaanong hindi patas ang mundong ito, hindi ito simpleng istorya lang na magkababata tayo na tinulungan kitang makababa sa puno nung minsang pumasyal kami ng tatay ko sa bukirin n’yo at inabutan kitang nasa tuktok nun at umiiyak, isinuot ko sa’yo ang kuwintas ko para lang tumahan ka na nung nakababa tayo at nangakong hahanapin kita pag dalaga at binata na tayo at hindi din ito tipikal na istorya na nung pauwi ka na galing sa pagtatrabaho bilang saleslady sa isang department store hinarang ka ng mga lasing at ipinagtanggol kita pero nasaksak ako sa tagiliran kaya sa ospital na pagkagising ko kinabukasan ko nalaman ang pangalan mo at natanggap ang pasasalamat mo. hindi iyan mga ganyang kababaw na kwento lang, nagsimula tayo sa scandal ni ethel booba! napakagandang simula. nagtataka at nalulungkot akong isipin kung ano kaya ang posibilidad kung bakit hindi nagtagumpay ang kung anong meron tayo dati at kung bakit naiwan ka nung iniwan ko ang dati kong pagkatao.
alam kong walo sa sampung gumagawa ng ganyan ay hindi nagpapakilala pero gusto kong sumubok, email mo ako sa joncabron @ gmail .com seryosong gusto kong makilala ka, maging kaibigan, balikan ang nakaraan, gumawa ng baby, sasaktan lang kita, at iiwan.. ewan ko.

PS. natawa ako dun sa “yummy mo talagang alalahanin” medyo out of topic pero sa tingin mo kung pupusta ako ng sampung piso sa kahon na may nakasulat na “matabang babae ka” magkano kaya ang mapapanalunan ko?

.. ‘wag mo na lang intindihin ‘yung huling sinabi ko.

xoxo,
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

23 thoughts on “isang liham pagibig”

  1. wala ng tatalo pa sa alindog mo sir cabron. nakakatuwa at may babaeng naglakas loob na sumulat sayo at magpahayag ng nararamdaman nya sayo. sana ay maging mabuting magkaibigan kayo sa personal at makagawa ng maraming anak, base sa sinabi mo, dun lang ako nagbase ng comment ko. kthnxbai.😐

    1. haynaker sanay na sanay na ako sa mga ganyan, malimit akong mag almusal ng ganyang mga sulat tuwing umaga hindi sa pagyayabang o kung ano pa man joke lang ‘di ako nagaalmusal kase natatae ako sa byahe pag kumakain ako ng umaga.

  2. Di ko alam kung baket si bongbong nanalo, dahil ba marcos sya o dahil may karisma sya na namana nya sa tatay nya? out of topic? yung karisma ang tinutumbok ko. nakabuo na kasi si JC ng kumpletong pag katao na may masama, mabuti, minsan kupal pero nakakatawa at nakakatuwa, may sense, minsan kung anu na lang pumasok sa kokote. spontaneous pero minsan prick. minsan okay na yung mga nabanggit ko para magustuhan ka ng babae. ISIPIN MO IMAHE KA PA LANG SA UTAK EH YUMMY KA NA, SAN KA PA?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s