ganito kase ‘yan

kahit alam kong may isandaan at pitumpu’t pitong beses ko ng natalakay ang ganitong paksa dito sa blog ko, ‘di pa rin ako nagsasawa sa ganitong usapin. bihira akong magpalagpas ng pagkakataon para maisaboses ang katwiran ko, iyan ang karapatan na malimit kong abusuhin. sa matagal ng bumibisita dito, pasensya na kung may mga ilang pangungusap na magiging pamilyar na sa inyo.

hindi daw ba ako natatakot na mabasa ng mga bata itong blog ko lalo na ng anak kong babae?

ganito kase ‘yan,

nagsusulat lang ako dito ‘yun lang ang trabaho ko, hindi ako kumakatok sa pintuan ng kung sino sino para iparinig ang gusto kong sabihin. sa madaling salita, mambabasa ang nagpupunta sa akin hindi ako ang bumibisita sa kanila. kung may bata man na aksidenteng nakapunta at nakapag basa dito sa blog ko, ang ibig sabihin nun pinabayaan s’ya ng magulang n’ya na magpakalat kalat, wala akong responsibilidad dun.
pag may batang nakabasa sa pag iimbita ko na manuntok tayo ng mga matatandang mababagal sumakay sa jeep at lumabas s’ya ng bahay nila ilang minuto pagkabasa nun para maghanap ng masusuntok na matanda, ang ibig sabihin lang nun mali ang pagpapalaking ginawa sa kanya ng mga magulang n’ya. ‘wag n’yong isisi sa akin ang kakulangan ng mga magulang n’yo sa inyo at ang lupit ng mundo.
wala akong inaangking responsibilidad sa bawat pangungusap na isinusulat ko dahil lahat ng salitang binibitawan ko dito iniaasa ko sa sariling talino ng mambabasa ko. madalas, hindi ‘yan sa kung papa’no ko ibinabato ang mga salita, nasa pagsalo ng isip mo ‘yan at paglalaro ng utak mo.
naniniwala akong matalino ang anak ko para malaman na s’ya ang hari ng sarili n’ya at kung dumating ang araw na aanihin n’ya na ang bunga ng mga kamaliang itinanim n’ya hindi n’ya isisisi ‘yun sa paraan ng pagsusulat ng tatay n’ya. s’ya ang tagapag alaga ng sarili n’yang buhay.
magsusulat ako at magbabasa lang kayo, iyon lang ang relasyon natin. hindi ako yaya ng kung sino at hindi ako nagpapaka guro kung kani kanino. maging matalino kang bata, malawak at matalino. malawak sa pagtanggap ng mga salita at matalino sa pagpili ng tama at mali.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “ganito kase ‘yan”

  1. amen, brother jon! masarap magsulat lalo na kung di ka napipigilan o nakukulong ng mambabasa mo. di naman tayo tulad ni jobert sucaldito e. balang araw alam kong mababasa din ng anak ko yung mga bina-blog ko at isang takip sa balikat lang ang gusto kong iganti nya saken.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s