tanong sagot 14

mula ngayon tuwing lunes na ako sasagot ha?
para ‘di naman nakakahiya sa’yo.
jncbrn.com/problema

T. Matanong ko lang po kung ano ang camera na ginamit mo sa pagpipicture dito? http://badingnabading.wordpress.com Nakakahanga po kasi ang mga shots. May future po kau para maging photographer. God bless.
S. sony cybershot w50 / 6megapix lumang digicam na ‘yan pero maaasahan talaga lalo na sa macro shots,sayang nabasag ‘yung lens eh tapos ‘yung ipinalit ko cybershot din pero walang kwenta, nawalan tuloy ako ng gana. salamat, at sa iyo din.

T. Bilib po ako sa katalinuhan niyo. Ang lawak lawak niyo pong mag-isip. Saan po kayo nagaral ng kolehiyo?
S. ngeks, salamat. malikot lang ang utak ko siguro talaga. perps tsaka ieti. bulok ‘no? may kwento kase ‘yan, pagkatapos ko ng hayskul mas natuwa akong isipin na literal na nakatapos na akong mag aral hindi katulad ng mga kaklase ko na masaya sila dahil sa wakas makakapag college na sila, kaya tumigil muna ako ng isang taon. tapos nung pakiramdam ko handa na akong sumabak sa kolehiyo pinapili naman ako ng nanay ko ng unibersidad sa maynila, kaso lang ginagawa ang skyway nung mga panahon na ‘yun kaya trapik sobra paluwas, naisip ko kung lahat papuntang kanan, kakaliwa ako. sa laguna ako nagenroll. HRM ang course ko nun, oo, pambakla. isang taon lang yata ako kase ahhhmmmm nakapag asawa ako. tigil ulit ng isa o dalawang taon sa pag aaral tapos nun nagagalit na ang tatay ko kase daw tumatanda na s’ya kailangang bago s’ya magretiro mapagtapos n’ya ako dahil pag wala na s’ya wala ng magpapaaral sa akin.. kailangan ko s’yang pagbigyan kase suklam na suklam na s’ya sa akin. kaya para makatapos lang hindi ako lumayo, dun ako nagenroll sa eskuwelahan na halos 30 minutes ko lang bibiyahihin at pumili ako ng course na sa tingin ko kayang kaya ko.. ayon, taragis muntik pa akong makaiwan ng dalawang MATH bago nakatapos. haba ng sagot ko, nililinaw ko lang baka kase isiin mo mahirap lang kami kaya sa ganyan lang ako nag aral tsaka baka isipin mo kailangan pang mag serbis ang nanay ko para may pang matrikula ako.

T. Inuman tayo sa bakasyon ko. Taga dyan lang ako sa likod ng munisipyo.
S. lakeview? tara.

T. pano kung nagka gusto ka sa isang GRO dahil sa maganda syang ka jam at maganda katxt? anong gagawin mo kung sayo mangyari ito?
S. may kailangan ba akong gawin? malamang ang pinupunto mo papano ‘yan kung gusto ko ‘yung babae talaga kaso lang GRO s’ya, tama? hindi ko na dapat pagisipan pa ‘yan papakasalan ko s’ya, bakit? kase sabi mo maganda s’yang katext ‘di ba? napaka gandang katangian nun at hindi ako magbibigay ng pagkakataon sa kahit kanino para maagaw sa piling ko ang isang babaeng magandang katext.

T. binabasa moba lahat ng nka xlink sayo? kailangan ba friend mo para magvisit ksa blog nya?
S. ‘yung totoo, hindi. at hindi, ‘yung mga dubaiyukis kaibigan ko sila pero ‘di ko naman binabasa ‘yung mga blog nila.

T. sino iboboto mo sa mayo adies, or sino binoto mo kung nakaraan na ang araw na ito na nabasa mo na ang tanong ko dito
S. si “wisely” dahil sikat s’ya.

T. Marami po bang math subj ang IT? Mahirap po ba?
S. hindi naman ganun kadami, mahirap para sa akin pero kaya mo ‘yun.

T. Bakit hindi ko po mabuksan ang inyong blog?šŸ˜„
S. hindi ka daw kase binabayaran d’yan para magbasa basa lang. ok, wala akong katibayan sa sinabi ko na ‘yan.

T. Okey naman ho kayo sa student activism?
S. ayos lang, pero mas ayos siguro kung may ibang paraan maliban dun sa marahas.

T. i like your page!!!!humor !!!!
S. i like you also!!! kind !!!

T. wow!!!
S. ..

T. nakaka ilang round ka sa sex?
S. depende sa mood, pwesto, at kasex.

T. super thin or dotted?
S. ‘yung totoo, hindi ko trip gumamit n’yan. pero sige.. ‘yung super thin kase nasa lalaki ang sensasyon nun sabi nga para ka rin walang suot, ‘yung dotted naman sa babae naman ‘yun kumbaga kumakayod.. hmmm dun ako sa super thin siguro dahil ayoko naman nung pakiramdam na para lang ako nagpu push up sa ibabaw ng babaeng naghihingalo.

T. anong brand ng condom favorite mo?
S. ‘di ako nagko condom. pero na try ko na ‘yung okomoto ‘di ko alam number e basta ‘yung black.. ayos naman, amoy goma nga lang. tsaka seryoso, parang ambakla naman kung may paborito kang condom.

T. alam mo yung ez lubraicant? anong masasabi mo dun?
S. alam ko ‘yun. kailangan ba talaga nun? parang pambading ‘yun e. anong masasabi ko dun? hmmm mahirap tanggalin sa kamay.

T. bakit ang tigas ng tite ko tuwing umaga?
S. dahil naiihi ka. ‘yun lang ‘yon ‘wag ka ng magaanu ano d’yan.

T. can you fuck yourself?
S. tignan mo ‘yung sagot ko sa pangalawang tanong sa taas, sa tingin mo magda drop ako sa HRM kung oo?

T. magaling ka ba mag english? pansin ko puro ka nalang tagalog e.
S. oo naman, thats not truth!

T. anong magandang anniversary sa girl friend ko?
S. ganto ang gawin mo, kung kelan ka n’ya sinagot ‘yun ang piliin mong anniversary n’yo.. oo, ganun talaga kalimitan.

T. mag kano sweldo mo sa isang araw?
S. sapat lang para magkaron ako ng pamasahe kinabukasan pabalik ng opisina.

T. anong cell number mo?
S. 0928 50_5 6_6

T. kumakain ka ba ng carrots?
S. oo, may problema ba?

T. bakit hindi na umeepek sakin ang imodium?
S. dalawa ang inumin mo, apat na araw kang safe. haha

T. kamusta ka na? i miss you.
S. ayos naman, ikaw ba? i miss you too.

T. sex tayo.
S. ayoko, bestiality ‘yan.

T. i miss you.
S. hindi kita kilala pero sige i miss you din, ‘di ka na nagtetext!

T. ilang taon ka nung nag pa tuli ka? kwento mo naman sa blog mo.haha asahan ko yan muakang masaya.
S. pagkagraduate yata ng elementary, hmmm normal lang naman ‘yung nangyari nung tinuli ako bukod sa ang akala nung duktor e napilayan ako kaya ako nakahiga dun sa kama sa clinic. nung sinabi ng nanay ko na magpapatuli ako ang sabi n’ya “ay akala ko paa ‘to” .. ‘yun lang, bye.

T. hindi kaba natatakot mabasa ng mga bata ang mga blog mo? example sa anak mong babae? no offense ha
S. kulang ang espasyo dito, sayang ang pagkakataon. para sa’yo ang susunod kong entry.

maraming salamat, sa lunes ulit!
jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.