tanong sagot 13

mga tanong na pinagkalooban ng mga sagot.
jncbrn.com/problema


T.
bakit naka comments off pag tanong-sagot ang post mo?
S. para gamitin mo ‘yung formspring link sa taas at baba.

T. Paano ba maging manhid?
S. upuan mo ‘yung kamay mo ng matagal, hintayin mong mangimay.

T. tuluyan mo na bang nilisan ang hindi masyadong sikretong mundo mo?
S. bading na bading sa wordpress? ikinalulungkot kong oo, bakit? nabagsak ‘yung old school digicam ko nabasag ‘yung lens, hindi ko trip ‘yung ipinalit kong digicam. sayang nga din.

T. sino ang iyong iboboto sa pagkapangulo sa darating na eleksyon?
S. hindi ako boboto e, _______________ – kunyari may nabasa kang malalim na dahilan d’yan. ang totoo, tinatamad lang ako kaseng lumabas at pumila.

T. ako yung nagtanong nung “ano ba ang isang relationship sayo nung binata ka pa? gaano mo ito pinahalagaahan?”.kung okay lang naman sayo, kahit na nangati ang ulo mo sa kakornihan, ay isulat mo ulit =) gusto ko lang malaman ang sagot mo ng seryoso.
S. ok, bibilisan lang natin ha’ ganun pa din naman ang stand ko mula nun hanggang ngayon, sabi ko nga kakambal ng sandamukal na obligasyon ang pakikipag relasyon. para ‘yung isang opisina na dalawa lang kayong empleyado, tulungan kayo dapat dahil naka salalay sa isa ang trabaho ng isa. halimbawa, s’ya ang magtatype at ikaw ang magpi print o kaya s’ya ang magpo format ng computer at ikaw ang magrereinstall ng OS. pag tinamad ang isa hindi magiging produktibo ang isa kaya ang mangyayari malulugi ang kumpanya, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo bakantihin mo ‘yung pwesto mo, mag resign ka. ‘wag mong hayaang malugi ang kumpanya ng dahil lang sa isang empleyadong tinamad na. sinabi ko na din dati, kung hindi ka handa sa obligasyon magmahal ka lang ‘wag kang papasok sa isang relasyon.

T. Nasaan na si Lyzius? Bakit hindi na nagba-blog?
S. nasa facebook ko s’ya at ang huling post n’ya sa wall e tungkol sa utot sa mrt kaya tingin ko nasa pilipinas s’ya ngayon. ang alam ko nagba blog pa rin s’ya ‘di na nga lang dotcom, balik wordpress free account dito. you are welcome.

T. bakit po ang hirap makalimot?
S. dahil malikot ang utak ng tao at matigas ang ulo ng puso n’ya.

T. is asking a sorry for guys like you considered manly?!!
S. ‘di ba malimit nating iincorporate ang “kalakasan” sa pagiging tunay na lalake? hindi lang pambihirang lakas ang kinakailangan mong pakawalan para aminin sa isang tao ang kasalanan mo at ihingi ng tawad ang mali mo.

T. any suggestion on how can i look for a unique name for my twitter acct.??
S. madali lang ‘yan, open mo ‘yung notepad mo tapos pahiran mo ng mantekilya ‘yang keyboard mo tapos kumuha ka ng pandesal. ihilamos mo ‘yung pandesal dun para makuha mo ‘yung palaman. ‘yung mabubuong letra sa notepad mo kadalasan e masisiguro mong walang katulad ‘yun.

T. is sex a factor if a guy loves you??
S. email mo sa akin ang picture mo para masagot kita sa tanong mo.

T. tanong lang sir may kinalaman ba si bea sa paglisan mosa tumblr?
S. errrrr?! sino si bea?

T.
mahilig ka bang sumugal pag dating sa mga desisyon mo sa buhay? implusive ka ba pag dating sa mga biglaang sitwasyon na kelangan ng mabilisang pag pili?
S. oo, sabi nga ng tattoo ko “fortune favors the brave” madalas kailangan mong sumugal dahil madalas wala namang clue na nakalatag para sa’yo kung anong meron para bukas. pero ang totoo, sa ngayon pinipilit ko nang pag isipan lahat ng kilos ko, katulad ng hindi ko pa dinadagdagan ang tattoo ko kahit gustong gusto ko na. bakit? ayoko ng sumugal at magpadalus dalos sa mga desisyong pang habang buhay ang kakahinatnan.

T. asan follow button mo?
S. hindi ito tumblr.

T.
aino iboboto mo/ ako kay gordon🙂
S. hindi ako boboto. pero sigurado ako na kung sakali mas iboboto ko si gordon kesa kay villar.

T. ano masarap sa SEX?
S. ako.

T.
sir, ilang taon na ho kayo?
S. trenta.

T. db po IT grad ka? Ask ko lang po kung maganda ba sa AMA University?
S. oo, tingin ko oo naman. hindi naman kase katulad ng pagduduktor ang IT na kailangan talaga sa magandang eskuwelahan ka nag aral, pwede ka nga matuto ng ka IThan sa bahay lang e.

T. bilang lalaki, ano ang masasabi mo sa iabng lalaking may double standards??(madaming ng karanasan sa iba’t-ibang babae pero virgin ang gustong maging asawa or nambababae pero galit sa mga babaeng nanlalake)
S. para silang sundalo, lumalaban ng gera para magkaron ng kapayapaan.
o para silang ‘yung mga estudyante ng PUP na nanira ng mga kagamitan para sa ikabababa ng bayad sa eskuwelahan. kuha mo?

salamat all
Jon Cabron
jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.