sa babaeng syota ni migo

may mahigit tatlumpung minuto na yata akong nakatayo sa kalsadang ‘yun, nananakit na ang mga paa ko at nakakaramdam na ako ng pagkahilo kaya halos hindi ko na naubos ‘yung pangatlong yosi ko na wala pa yatang limang minuto ang nakalipas dun sa dalawang nauna bago ko sinindihan. kung hindi lang sana sa pagmamadali kong makalabas kanina sa opisina kaya sinadya ko ng kalimutang maghilamos o tignan man lang ang itsura ko sa salamin baka andun na ako sana sa kabilang sakayan ng jeep, mas malayong lakarin pero siguradong may masasakyan pero malaki ang posibilidad na makasalubong ko dun ‘yung mga pang umagang nagtatrabaho din sa kumpanyang pinapasukan ko pati na ‘yung mga kababaihang estudyante na sa amin kumukuha ng practicum nila sa eskuwelahan nakakahiya naman kung ganun ang itsura ko, halatang galing sa puyatang shift.  hindi ko na alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago may jeep na kusang huminto sa harapan ko. hindi ko na nakuhang mamili pa halos tinatlong hakbang ko lang ang karaniwang lima o anim na hakbang ng mga paa mula sa kalsada pagsakay. nakaramdam ako ng kakaibang saya nung lumapat na ang pwet ko sa upuan ng jeep, relaks. lima kaming pasahero ng sasakyang ‘yun maliban sa dalawa sa harapan na katabi ng drayber, sa dulo ako malapit sa pinto at malaki ang pagitan namin ng nasa kaparehong tabi ko dahil dun s’ya nakasiksik sa mismong likuran ng drayber, kaharap n’ya sa likod ng katabi ng drayber ‘yung batang babae na madaling hulaan na anak ng babaeng katabi naman nito na may karga kargang natutulog na sanggol. otomatik ang paghimas ko sa balbas ko kasabay ng pagbasa ng dila sa ilalim na labi ko nung napansin ko ang babaeng kaharap ko. wala akong rekord ng kapanganakan n’ya pero sigurado ako na hindi magkatugma ang itsura n’ya sa tamang idad n’ya. at kung hindi sa strap ng bra n’ya na sumisilip sa kanang braso n’ya iisipin kong batang babae ang nasa harapan ko.
nagmistulang electric fan ang ulo ko sa paglingon sa kanan at kaliwa para pasimpleng mapagmasdan ang babae sa harapan ko., nagmistulang gilingan ng karne ang panga ko sa mabilis na pagnguya ng babolgum sa bibig ko. napakagandang babae naman nito, at dun pa lang sa mismong mga oras na ‘yun sigurado na ako sa sarili ko na handa kong kainin ang lahat …ng mga naisa batas kong inaayawan ko sa isang babae dati, katulad ng kyutiks na may kulay sa paa, napatunayan kong may binabagayan din pala ito.
matagal ding nakalubog sa ganung isipin ang utak ko at pagbalik ng diwa ko, nakita ko s’yang pinipilit iaabot ang bayad n’ya dun sa babaeng may karga kargang anak pero hindi s’ya pinapansin nito, kusa ang mabilis na kilos ko, inabot ng kaliwang kamay ko ang hawakan ng jeep sabay pwersang angat ng pwet ko paitaas, kinuha ng kanang kamay ko ang bayad mula sa mga kamay n’ya sabay ikot ng katawan ko at bago pa lumapat ang pwet ko sa may tabi ng babaeng may karga ng anak naiabot ko na sa drayber ang bayad ng babaeng mahal ko sa hulihan ng jeep. .. hindi s’ya nagpasalamat.
maya maya nakangiti na s’ya, hindi sa akin kundi sa boypren n’yang kausap n’ya sa telepono. narinig ko migo ang pangalan, tangenang pangalan ‘yan. pangalan ng mataba, pangalan ng mama’s boy na nasisigurado kong hindi kakayaning iaabot ang bayad n’ya na kasing impresibo nung ginawa ko. wala akong kaibigan na migo ang pangalan, kaya ko sigurong makipag kuwentuhan ng maikli sa lalaking may pangalan na ganun pero hanggang dun lang ‘yun. papayag akong makipag kamustahan sa lalaking ganun ang pangalan pero pag s’ya na ang sasagot kung kamusta na s’ya pipilitin kong mabingi sa mga sasabihin n’ya, hindi ko nakikita ang sarili ko na may kainuman sa labas na may pangalang migo. matabang mama’s boy.
nauna akong bumaba sa babaeng ‘yun, hindi man lang ako inabutan ng sukling sulyap sa bayad n’yang iniabot ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “sa babaeng syota ni migo”

  1. Hello Mr. Jon! Palagi po akong napapadaan sa bahay mo pero ngaun lang ako naglakas ng loob magkomento. hehehe.😀 Naaaliw kasi ako sa blog mo! May sense! (walang halong pambobola!)

    Hindi man lang pala nagawang magpasalamat ng jowa ni Migo sa pagabot mo ng bayad nya. Tsk.. tsk… Supladitang gaga pala. LOL

  2. mraming gnyan..!
    dpat hindi mo na inabot ang byad nyan, tutal mluwag nman ata ang jip e, d umurong sya pra maabot ang byad nya ng driver… alangan nmang yung babaeng may hawak n sanggol p ang mag abot ng byad nya.
    mganda nga wla nmang pinag aralan😆 d nagpsalamat e! tama c prinsesa ng drama, supladitang gaga! :grinnod:

  3. simpleng thank you lang naman tuwing magaabot ng bayad o sukli diba? marami pa rin talagang bastos. tsk.

    migo = matabang mama’s boy.

    ahm may gusto akong icomment kaso wag na lang sir😐

  4. Haay, anu ba ‘yan. Minsan mga tao talaga walang kunsiderasyon. Ano naman ang kaunting muscles na igagalaw mo para tumayo sa kinauupuan mo upang ikaw mismo mag abot kay manong drayber, katulad na lang ng ginawa niyo sir. Nakabistida ba ‘yung babae? Baka kaya na-hassle tumayo.

    Napadaan lang po ako sa blog niyo.😦 Namimiss na kayo ng aking dashboard. Ako na lang ang bibisita sa inyo dito.

    1. awww salamat, isang malaking karangalan ang mabisita ng superstar ng tumblr. seryoso, minsan nangangati din ako magpost ulit dun kaso lang ang mas kinakatakot ko ‘yung baka hindi na ako magkaron ng magandang dahilan pag ginusto ko na naman umalis. dito na lang ako masaya na akong binibisita paminsan minsan ang dashboard ko para makita kayo😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s