tanong sagot 12

mga naipong tanong na sinagot.
jncbrn.com/problema

T. yung totoo ha..anu po bang una nyong tnitignan sa mga babae??!!is it tha face or the boobs??and why??
S. depende kung saan s’ya nakaharap. pag sa akin boobs, pag nakatalikod pwet.
ok, mali ako ng intindi sa tanong mo, sorry na.

T. panu po ba pigilan ang pagtatae kapag nasa skyway ka?…
S. hindi ako ang dapat tinatanong mo sa mga bagay na ‘yan. ilang beses na akong nabigo sa usaping ‘yan.

T. panu ba ma-kamove on?
S. para sa akin una sa lahat dapat ‘yung pagtanggap. pagtanggap na tapos na, wala ka ng babalikan at wala ng babalik. iyan kase ang karaniwang nakikita kong problema sa isang taong may pinagdadaanan na ganyan at kung bakit hindi s’ya tuluyang maka bitiw dun, minamadali n’ya kase lahat, parang batang may lagnat.. pag maganda ang pakiramdam sa umaga, magtatatalon sa paglalaro hanggang tanghali imbis na magpahinga pa dahil galing nga sa sakit, pagdating ng hapon matamlay at mainit na naman.. nabinat na. dapat mong malaman na hindi madali ang pinagdadaanan mo kaya hindi masama kung umubos ka ng mahabang panahon para d’yan.. ‘wag kang magmadali.

T. bakit siga ka sa internet..? ano ba ang pinagmamalaki mo?
S. papano mo nasabi na siga akong putangenaka sa internet? muscles ko.

T. e bakit nga ba napakatrapik
S.
andami na kaseng sasakyan masyado. puro buwaya pa ‘yung mga bus at jeep tapos kups pa ‘yung mga naka mutor.

T.
ano’ng plano mo sa birthday mo?
S. sori na late ‘yung sagot pero ‘wag kang mag alala wala din naman kwenta ‘yung isasagot ko. wala.

T.
hindi ka naman pala mataba?
S. hindi mo pa ako nakikitang naka hubo’t hubad.

T. virgin pba c ann
S. sinong ann? ann curti?

T. mas pogi ba ako sa’yo?
S. sa tingin mo bagay ba sa akin ‘tong polo shirt na suot ko? papano mo masasagot kung hindi mo naman nakikita? .. eksakto.

T. What if you and your ex reunited and then your ex was asking you to just give him time… time to unwind, be single and have fun. Will you wait for him? Or just move on and continue the life you had before the “reunion” happened?
S. you know… ahhhm if i .. ahhhhmm walang salitang “pahingi ng space” sa dalawang taong totoong nagmamahalan dahil ang salitang ‘yun ay pinaganda lang na “maglilibot libot muna ako,  pag wala akong nakitang mas nakahihigit sa’yo babalikan kita dahil mabuti na rin ikaw kesa sa wala” back to your question, ahhhmmm oo, maghihintay ako dahil pag mahal mo ang isang tao handa ka laging magpakatanga para sa kanya.
PS. please dont talk to me again. tnx

T. tanga ka ba?
S. hindi. ikaw ba? oo? pwes, try mo icross stitch ‘yang pulso mo.

T.
anong magandang iregalo sa gf ko?
S. magpakabait ka.

T.
Sinong mas kikay si yellow 4 or si pink 5?
S. si tinkiwinki

T. Pag nagselos ba ko sa boyfriend ko, dahil nakita ko sya nakikipag usap sa ibang babae at alam kong gusto nya yun. Maniniwala ba ko pag sinabi nyang ako lang ang mahal nya?😦
S. magkaiba kase ‘yung pagmamahal at ‘yung gusto. pero sa kaso mo, iwan mo na ‘yang boypren mo.. una, kung mahal ka n’ya hindi n’ya na dapat kinakausap ‘yun kung alam n’yang naaapektuhan ka. at pangalawa, kusa mo dapat nararamdaman ‘yung sinseridad at pagmamahal ng boypren mo dahil obligasyon n’yang patunayan at iparamdam sa’yo ‘yun at dahil kinailangan mo pang magtanong sa akin tungkol dun naniniwala ako na nagkukulang s’ya sa obligasyong ‘yun. maniwala ka, pag nagkatuluyan kayo n’yan miserableng buhay ang dadanasin mo. ..ok, wala akong batayan sa sinabi ko na ‘yan.

T. hmmm ngayong alam ko na kung paano malalaman kung bakla ang boypren ko…panu naman malalaman kung tibo ang girlfriend ng isang tao?
S. walang lalaki na nakikipag gelpren sa tomboy.

T.
ano para sa’yo ang sex?
S. ito ay ang mabagal muna tapos pabilis ng pabilis na pagpasok ng … eka sino ka muna? papano ako nakakatiyak na hindi ikaw ang nanay ko?

T. bakit ndi mu ako nireplayan nung bertdey mung hudas ka???
S. ahhhm kung tataya ako ng sampung piso sa kahon na may nakasulat na “mensahe ni geraldine maganda ‘to” magkano ang mapapanalunan ko? matinding clue ‘yung salitang “hudas” e. ahhmm putol ang linya ko nung kaarawan ko. sori na.

T.
kamag-anak mo ba si bob ong?lol..salamat sa mga patuka sa utak..napapaisip ako..=)
S. hindi, you are welcome, =) din

T. baliw!!!
S. thanks!!!

T. heyheypibirthday! sorry sa utang na kanta. babayaran ko yun promise.
S. salamat, ako ang may utang na pakikinig sa’yo, sorry.

T.
ilang baytang ba meron sa 104 inches?
S. depende sa humahakbang.

T. ano ba ang isang relationship sayo nung binata ka pa? gaano mo ito pinahalagaahan?
S. sa totoo lang napakahaba ng ng naitype kong sagot sa tanong mo pero binura ko lang. bakit? nung binasa ko, nangati ang ulo ko sa kakornihan.

T. posible ba na maging magkaibigan ang isang babae at lalake ng talagang magkaibigan lang?
S. pwede, pag panget at mataba ‘yung babae.

T. Maangas ka nga?
S. depende sa kahulugan mo ng salitang maangas.

T. ano ang kaya mong ipagmalaki sa akin para masabi mong karapat dapat ka ngang hangaan?
S. hindi ako nandito para mamalimos ng paghanga, hindi ko kailangang magmalaki at hindi mo ako kailangan, magsusulat lang ako at magbabasa ka lang.

T. sir sa galing nyong magsulat sa blog,wala ba kayong balak gumawa ng libro? – mr_maharot
S. salamat, wala delikado ‘yun sa taong tamad na katulad ko.

T. tuli ka ba?
S. oo, mahabang mahaba. …sorry, nagkamali ako ng basa akala ko kung “tula” ba ako.

salamat. ‘yan ang maganda pag naipon, marami.
Jon Cabron
jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.