oh hai thur, boi

nasabi ko na dati ‘to, hindi ‘yung kakulangan sa ekperiyensa ang karaniwang dahilan kung bakit napapahamak ang mga baguhang drayber kundi ‘yung umaapaw na kumpiyansa sa sarili nila kaya pag nasa gitna na sila ng kalsada nakikipag sabayan na sila sa mga beteranong drayber sa paniniwalang alam na nila lahat.
una, kahit gaano pa ako kinilig sa mga mabulaklak mong pananalita na seryosong punum puno ng kabaklaan, ikinalulungkot kong kinakailangan kong putukin ang bula ng matibay na halusinasyon mo. isang napaka ambisyosong idea na isipin mong kakayanin mo akong “masaktan” sa “banat” mong matanda pa sa nakaimbento ng internet. seryoso, iba ang pinagsalitaan kita ng ganun dahil na offend ako sa “diretsong pananalita” mo kesa sa itinaboy kita paalis ng blog ko dahil sa nakikita kong mas interesante pa ang paggalaw ng agiw na nililipad lipad ng hangin kesa sa bawat pagsulpot at pag komento mo dito sa blog ko.
pangalawa, maniwala kang hindi pagpapaka heroic ‘yun nung sinabi ko sa’yo dati na hindi mo obligasyong mag comment sa bawat entry ko, hindi ko sinabi ‘yun dahil inaalala ko ang pagod mo. ang totoo n’yan, pansarili ‘yun napapagod na ako sa maya’t mayang pagbagsak ng balikat ko tuwing nababasa ko ang mga hirit mong walang saysay.
pangatlo, maniwala ka sa akin, pag sa’yo nanggaling ang mga salita kahit pabali baliktarin pa ng iba mamumukhaan mo pa rin ‘yun. kaya kong makilala ang lasa ng mga sarili kong salita kahit pa anong rekado ang ihalo mo dun. hindi maganda sa pakiramdam, maniwala ka, hindi mo ako gugustuhing mag simula sa bagay na ‘yan.
pang apat, ikinalulungkot ko na mali ang pagkakaintindi mo sa itinatakbo ng istorya natin. salamat sa payo mong ‘wag akong matakot makipag kaibigan sa tulad mo. sana lang magamit ko rin ‘yan kung sakaling dumating ang panahon na gustuhin ko ng makipag kaibigan nga sa’yo.
panglima, OT at hindi ko alam kung bakit gusto kong ibahagi sa’yo ang impormasyon na ‘to pero seryosong kapareho ng takot ko pag nanalo si erap ulit sa eleksyon para sa seguridad ng anak ko ang pangamba ko kung sakaling magkakatuluyan kayo ni lambing.

at sa huli, seryoso ka ba talaga nung sinabi mo na umaasa kang “we will meet the gaps and fill up the holes”? hahahahaha!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “oh hai thur, boi”

Sarado na ang mga puna.