mundo ng internet, pagsusulat, at ikaw

alam mo ang katotohanan dito sa internet, kung gaano kasaya na magkaron ka ng kaunting puwang sa mundong ‘to may kapalit ‘yun na bigat na dadalhin mo sa pananatili mo dito. hindi ito nalalayo sa maraming bagay sa buhay natin na masasabing masaya lang sa una, pagtagal nakakatamad na rin.. lalo na pag pakiramdam mo nabaliktad na ang lahat, hindi na basta parte ng buhay mo ang internet, ikaw na mismo ang parte ng mundong ‘to. hindi ka lang basta empleyado ng isang pabrika, makina ka na ng buong kumpanya.
kahit gaano mo pa ipaglaban at ipagmatigasan na nagsusulat ka para sa sarili mo, sabi mo nga para lang maisaboses mo ang kung anong naglalaro sa utak mo, sa bandang huli lulunok ka din ng mapait sa panlasang katotohanan na mas madalas na nagsusulat ka hindi lang para kamutin ang kati ng utak mo kundi para maglagay ng pantal na mamarka sa mga utak ng mambabasa mo.
ayoko ng kaibigan dahil ayoko ng tao, ilang beses ko ng sinabi ‘yan. sa tunay na mundo kung babasahin mo ang istorya ng buhay ko mapapansin mo na ‘yung mga kaibigan ko ngayon sila pa din ‘yung mga kaibigan ko nung elementary ako at mga unang taon ko sa hayskul maliban sa mga pinsan ko. hindi ako nagdagdag, kung makikita mo akong may mga bagong kasama hindi pakikipag kaibigan ang tingin ko dun.. pakikisama. madalas, obligadong pakikisama. mas marami akong ibinabawas na tao sa buhay ko kesa idinadagdag. tatanggihan ko ang isang sako na puno ng ginto sa disyerto kapalit ng isang baso ng malamig na tubig ilang araw matapos kong maglakad dun ng walang tiyak na pupuntahan.
isa sa matagal ng gumugulo sa akin sa mundong ‘to ng internet bilang manunulat ‘yung nakasanayan ng “relasyon ng manunulat at mambabasa” wala akong natatandaan na pinirmahang kasunduan nung nag signup ako dito na obligado akong makipag kaibigan sa inyo. bigyan n’yo ko ng kahit kaunting laban hindi ‘yung umpisa pa lang nasa talong lugar agad ako, hindi ko man mapipili kung sino ang mga maliligaw at magbabasa ng mga sinusulat ko bigyan n’yo naman ako ng karapatang piliin kung sino ang gusto at ayaw kong tao. kung napasaya ka man ng mga sinusulat ko at isinabit mo ang larawan ng lalaking bigotilyong nakapula sa dingding ng kwarto mo, matutuwa ako pero hindi ibig sabihin nun na gusto na kita, mayabang pero totoo. sundan mo ang yapak ko pero ‘wag kang masanay, humiwalay ka sa dakong gitna.
masakit akong magsalita. lahat ng bagay pinipilit kong tignan sa paraang hindi nakikita ng iba, mahilig akong makipag talo at madalas nakikipag debate ako hindi lang para patunayan na tama ako kundi para ipamukha sa’yo na hindi ako nagkakamali. hindi ako pwedeng magkamali sa ipinaglalaban kong tama, p’wedeng mas tama ka kesa sa akin pero hindi ibig sabihin nun na mali na ako.
hindi ko mahanapan ng lohikal na katwiran kung bakit pag inadd ko ang isang tao sa isang online account ko, kinabukasan lang may request ng manggagaling sa kaibigan n’ya, kamag anak, at minsan pati sa anak n’ya pa na alam ko naman na walang kinalaman sa akin, hindi nagbabasa ng mga sinusulat ko, at hindi naman ako kilala. minsan gusto kong mag post ng hubo kong larawan pagkatapos kong mag add ng isang bata sa online account ko. isang malaking kapabayaan ng isang magulang ang hayaan nilang maglaro ang anak nila sa lugar na ginagalawan ng isang taong katulad ko.
literal na maliit na bahagi ng pagsusulat ko ang mga patuka sa utak na nagustuhan mo, maikling laro ng mga salita na nagmula sa isang kalokohang talata mula sa isang manunulat na humihiling nung una pa lang na ‘wag s’yang seryosohin masyado. hindi ako mauubusan ng isusulat hangga’t may koordinasyon pa ang mga mata at utak ko, habambuhay mangangati ang utak ko at walang gamot dun kundi pagkamot.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “mundo ng internet, pagsusulat, at ikaw”

    1. seryoso, hindi ko alam kung wala kang masabi dahil literal na wala kang masabi o wala kang masabi dahil nasabi ko na lahat.. ganun pa man, maraming salamat sa impormasyon na wala kang masabi sa mga sinabi ko na ‘yan 🙄

  1. Susubukan kong tularan ka dun sa mas maraming ibinabawas kaysa idinadagdag. Hindi naman kasi sa ano pero napansin ko kasabay ng pagdami ng tao sa buhay ko ang pagiging komplikado nito. Imbes na mag-enjoy ako dahil marami akong kasama e sumasakit pa ang ulo ko. Hehe~~

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s