dear kuya holdaper

kanina ko lang nalaman ‘yung detalye sa nangyari sa pinsan ko at sa telepono n’ya ilang buwan na rin ang nakakalipas. papasok s’ya sa trabaho ng madaling araw na ‘yun, ilang minuto pa lang nakaka andar ang jeep mula sa lugar namin tinutukan na s’ya ng panaksak nung dalawang nauna sa kanya sa sasakyang ‘yun. sinubukan n’yang lumaban nung una pero mabuti na lang napag isip isip n’yang ibigay na lang kung ano ‘yung gusto nung dalawang mama na ‘yun. telepono nga lang naman ‘yun, materyal na bagay at kayang bilhin ng pera pero ang buhay mo walang presyo ‘yan at ang parte ng katawan mo walang spare parts ‘yan.
dalawang beses na akong nadukutan sa buong buhay ko, halos isang taon nga lang ang pagitan nung dalawang senaryong ‘yun. telepono nung una tapos pitaka sa pangalawa pero nagpapasalamat pa rin ako. ang hiling ko lang naman sa mga kuya holdaper natin e kung may kukunin sila sa akin, sana gawin nila ‘yun ng hindi ko alam. ayoko nung senaryong may nakatutok sa tagiliran ko habang nililimas ng kung sino ang mga gamit ko. baka mas mauna pa akong mahimatay kesa mamatay. respeto lang naman ang hinihiling ko, kung may kukunin ka sa akin kung pwedeng gamitan mo ako ng hipnotismo para mag hubo ako sa harapan mo, mas maaappreciate ko pa ‘yun. dukutan mo na lang ako kesa tutukan mo ako ng kung anu ano.  kumbaga kunin mo na lahat sa akin ‘wag lang ang moral ko. hindi ko maimagine ang sarili ko na nagmamakaawa tapos pinipilit kong umiyak para ‘wag lang akong saktan ng kung sino, baka pagkatapos nun pag layo nung mga mama baka dumausdos na lang ang likod ko sa pader habang sapu sapo ng mga kamay ko ang mukha ko at kasabay ng pag lapat ng pwet ko sa sahig yayakapin ko ang mga tuhod ko sabay sigaw at iyak. nakaka kilabot na pangyayari, papano ka pa makakapag simula ng panibagong buhay nun.
isa pa, kung may kukunin kayo sa bahay namin, pakiusap lang kung posible mag text man lang kayo ilang araw bago n’yo isakatuparan ang balak n’yo para maka alis muna kami. hindi n’yo na naman kailangang gumastos pa ng fruit basket o bulaklak para sabihan kami, isang text lang ayos na.
maniwala ka, pareho tayong panalo d’yan. hindi ka na gagastos para bumili ng packing tape para sa mga bibig namin at hindi ka na rin kailangang bumili ng lubid na pantali sa kamay at paa namin, sa madaling salita maliit lang ang cash out mo, ayaw mo pa sir?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “dear kuya holdaper”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s