parang sa gobyerno din

kalokohan ang batas kung nagmulta ka na papahirapan ka pa. andami daming problema ng bansa na makikita mo ng malinaw kahit hindi mo pa ibuka ng malaki ang mga mata mo pero ang inuuna ng mga namumuno ay ‘yung mga batas na walang kapakinabangan. hindi mo maiaangat ang bansa mula sa pagkakalubog nito d’yan sa cyber boso bill mo. mas maraming dapat pag ukulan ng pansin kesa d’yan sa maliliit na batas na pinapatupad mo para lang hindi masabing natutulog ka lang sa kinauupuan mo.
hindi lahat ng batas naaangkop sa lahat ng bansa, ibig sabihin hindi porke’t batas sa amerika pwede mong ipatupad dito. sa madaling salita, kung ma late man ako ng paulit ulit pero pinagbabayaran ko naman ‘yun dahil nababawasan ang sweldo ko at hindi naman napapabayaan ang poste ko dahil hindi naman ‘yun nababakante dahil hindi naman umaalis ang kapalitan ko, ako ang nalulugi hindi kayo at ‘yung kapalitan ko ang naaagrabyado hindi tayo. umangal ka kung ‘yung oras na wala ako ganun din ang oras na nakatigil ang makina ko o kaya sobra ang tinatanggap kong bayad sa oras na ipinapasok ko.
seryosong hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag bigay ng written explanation kung bakit ako late ng sampung beses. pag sinabi ko ba ang totoo na trapik kase pag ganung oras talaga at ginagawa ang kahabaan ng expressway at hindi ko naman magawang gumising ng mas maaga dahil anong oras na ako nakakauwi at iniisip ko na kung papasok ako ng mas maaga ng kulang ako sa tulog baka mas lalo ko mapabayaan ang trabaho ko, magiging katanggap tanggap kaya ‘yun? o pag sinunod ko ang inaasahan n’yong format ng eksplenasyon na nagtatapos sa sorry nagkulang ako, hindi na mauulit.. mababawi ko ba ‘yung halagang ibinawas sa sweldo ko?
kalokohang mangako na hindi na ako male late dahil pag ginawa ko ‘yan ibig sabihin kaya ko naman pala, naghintay lang ako na masita ako. ang dapat, mangangako akong hindi na ako male late kung makikisama sa akin ang panahon at pagkakataon.
at mawalang galang na, ‘wag n’yo kong patayan ng aircon pag gabi habang naka duty ako dahil mainit at pakiusap ‘wag n’yong isara ang pinto ng cr tuwing gabi dahil anim na beses ako magdamag umiihi.
at isa pa, walang silbi ‘yung generic na gamot sa clinic, tatlong capsule na ‘yung ininom ko ng sabay sabay agaw buhay pa rin ang tiyan ko sa bus.

love,
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “parang sa gobyerno din”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s