pandacan transport

kung karaniwan kang bumibiyahe ng pa alabang sakay ng bus, hindi imposible na alam mo ‘tong tinutukoy ko dito. ilan lang naman kase ang bus na bumibiyaheng lawton na dumadaan sa alabang. lalo na nitong linggong ‘to dahil mahal na araw, halos pa isa isa lang at matagal bago dumating ‘yung kasunod na byahe. alam ng lahat kung ano ang notorious na bus sa lugar na ‘yun kung paswapangan at patigasan ng mukha ng konduktor at drayber ang pag uusapan, hindi ka regular na dumadaan sa lugar na ‘yun kung hindi bus na “pandacan” ang unang papasok sa isip mo. 
tagaktak na ang pawis ng karamihan, pangita na sa mga mukha nila ang pagkainip, at nababakas sa mga malilikot na mata nila ang paghahanap na lang ng ibang option sana para makarating sa pupuntahan nila, pero wala talagang mapag pipilian, masyadong inabuso ng bus na ‘yun ang mahal na araw at ang kakulangan ng masasakyan sa araw na ‘yun.
mabagal na lumipas pa ang mga minuto, unti unti ng napalitan ng galit ang pagkainip ng mga pasahero, ganado pa din sa pagtatawag ang konduktor sa baba at mukhang nageenjoy pa sa pagyoyosi at pag aalis ng tinga ang drayber sa kinauupuan n’ya.
maya maya, hindi na nakatiis ang isa.. kinalampag n’ya ‘yung katawan ng bus. isa isa ng nagsunuran ‘yung iba pang pasahero. “abante na, ano ba? kanina pa tayo dito!” sigaw nung isang lalaki sa may gitna, “tangena napakabuwaya n’yo!” mura nung matandang babae malapit sa akin. at syempre hindi ako nagpahuli, inipon ko ang hangin sa dibdib ko sabay sigaw ng malakas

“abante na ‘yan! abante na ‘yan!”
saktong lingon sa akin nung kunduktor sa tapat ng bintana ko,

“bakit babayaran mo ba ‘yung kulang?”

hahaha! hindi nga naman.

tapos na po.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “pandacan transport”

  1. mraming ganyan tlaga khit saan..! cno ba nman ang di mg iinit ang ulo na pasahero?!!
    ..khit nga punong puno na, pilit p din nlang pnasasakay e..katwiran nyang konduktor n yn bulok..!😦

    1. i get ur point… ako pasahero rin, pero kung kayo ang nasa lugar ng mga ito (drayber at kundoktor) at me pamilyang pinapakain. sana maintindihan din.. alam nyo ba ang dinadaanan nila para kumita ng pera.. tayo sa sarili natin, minsan meron din tayong mga palpak na ginagawa sa iba..pasalamat tayo at meron tayong bus na sinasakyan..(tanong ko lang, e di bumaba na lang ng bus at sumakay sa iba).. d ba?

      1. ate, ibig sabihin ba n’yan pabor ka din sa mga taxi driver na namimili ng pasaherong isasakay? pag driver ka ng pampublikong sasakyan may obligasyon ka sa mga pasahero sa kalsada dapat alam nila ‘yun. halimbawa, ikaw nagdate kayo ng boyfriend mo tapos.. eka wala kang boyfriend dahil mataba ka? hindi ako nagtataka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s