kailangan ko ng atensyon

eto ang karaniwang istorya ng buhay ko.

may babae d’yan na bigla na lang susulpot sa buhay ko. pipilitin n’yang kunin ang atensyon ko at gagawin n’ya ‘yun sa lahat ng pinaka nakakairitang paraan. ako naman, todo iwas ang gagawin ko, ewan ko pero parang hindi ako sanay kase ng nauunahan. hanggang sa dumating sa punto na magsawa si babae sa kakasunod sa akin o kaya makakita ng ibang pagbabalingan ng oras at dun naman ako magmumukhang kuting na aali aligid sa tabi n’ya.. at madalas, hindi ko na naibabalik ‘yung ganung atensyon.
minsan naman, may isang babae akong nagugustuhan at gagawin ko lahat para makuha lang ‘yung atensyon n’ya kahit pa ‘yung ibang diskarte ko alam kong tipong nakakairita na. basta lahat gagawin ko para mapansin n’ya ‘yung presensya ko at sa karaniwang istorya ng kwento ng buhay ko.. makukuha ko lang ‘yung atensyon na ‘yun pag naka ilang lalaki nang dumaan sa buhay n’ya na niloko s’ya o kaya pag may anak na s’ya at mataba na. alam mo ‘yung ibig sabihin n’yan? ang buhay ko, laging wala sa timing, laging kulang sa timpla.

naisip ko lang, kung nung dati pa e may katulad na ako ng maliit na “popularidad” na meron ako ngayon.. hindi sana ganun kapapangit ang mga
ex gelprends ko.
at ang ikinakatakot ko lang, baka pag namatay ako magpuntahan sa burol ko ‘yung mga ‘yun at malaman ng pamilya ko kung gaano ako kawalang taste pagdating sa babae.

ano ang punto ko sa entry na ‘to? ang totoo, wala.
bertdey ko ulit sa april 9 at kung may isang taon o mahigit ka ng nananakawan ng mahalagang oras sa blog na ‘to, bilang kristyano alam mo na ang dapat mong gawin.

at kung bago ka lang napeperwisyo nitong blog ko, eto ang kailangan mo:

1. papel / karton / parte ng katawan.
2. bolpen / pentel pen / o pantattoo kung tanga ka.
3. digicam / camera sa celfone / webcam

at ito ang dapat mong gawin:

1. isulat ang mensahe sa papel / karton / parte ng katawan
2. gamit ang bolpen / pentel pen / o pantattoo kung tanga ka.
3. kuhanan gamit ang digicam / camera sa fone / webcam.
4. parang ganito
5. ipadala sa joncabron @ gmail .com
6. lagyan ng subject na “PIBERTDEI”
7. salamat, mabuhay ka ng mapayapa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “kailangan ko ng atensyon”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s