hoy lalake at ikaw babae

alam kong narinig mo na ‘to sa napakaraming taong nakasalamuha mo pero totoo sa akin ang salitang gaguhin mo na ako ‘wag lang ang kaibigan ko o kahit na sinong malapit sa akin. ang anghang sa tenga ng mga narinig kong sumbong tungkol sa’yo, ansarap sana kung abot kamay lang kita habang pinaguusapan ka namin. para mabilis kong maipahatid sa’yo lahat ng gusto kong sabihin ng hindi ko na kinakailangang ibuka ang bibig ko o igalaw ang mga daliri ko para magsulat.
pagbibigyan kitang gamitin ang pinakasupot na panangga ng mga kalalakihan na likas sa kanila ang maging manloloko at kasalanan naman ng babae kung bakit sila naloloko.. kung kilala mo ako alam mong isa ako sa magtataas ng kamao maipaglaban lang ang katotohan sa salitang ‘yan. pero may mali, sana man lang magkaron ka ng kadisentihan na mag isip man lang na maganda gandang rason para bumitaw. hindi naman tama ‘yung magpapakita ka ng pagiging magaling mong lalaki tapos pag may nangyari na sa inyo bigla na lang kisapmata narealized mong mahal mo pa pala ‘yung dating girlfriend mo. seryoso, iyan na ba talaga ang pinakamatalino mong naisip para makawala? ano ka tanga na nasa ulo ng titi mo ang utak mo kaya nung may nangyari sa inyo naalog ‘yun kaya ka nakapag isip isip?
hindi ako ang pinakamatinong lalaki pagdating sa kababaihan, may mga sarili din akong kamalian at sandamukal na kalokohan pero hindi ko kayang sikmurain ‘yung ginawa mo dahil hindi man ako naniniwala sa karma naniniwala naman ako na lahat ng ginagawa natin sa kapwa natin mabuti man o masama may balik ‘yun sa atin, kasama ‘yun sa pag ikot ng mundo. nakakakunsensyang tumanggap ng biyaya kung alam mong may inagrabyado kang tao. at maniwala ka, ‘yung ganyang kasamaan ang utang na namamana.
at ikaw babae, katulad ng sinabi ko sa’yo kesa patuloy kang magmukhang tanga sa katangahang nagawa mo na, ituring mo na lang na aral sa’yo ‘yan para maging mas matalino ka ngayon kesa kahapon. hindi porke’t ginawa mo na lahat sa isang tao hindi ka na sasaktan n’yan.. hindi ganun kaperpekto ang mundo. bumangon ka sa pagkakadapa mo at tandaan mo kung saan ka natisod para alam mo na sa susunod kung saan ka iiwas, ‘wag mong payamanin ang mga composer ng mga malulungkot na love songs. maging kabawasan ka man lang sa mga miserableng pinagkakakitaan nila.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “hoy lalake at ikaw babae”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s