dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo

dahil umamin na raw si ricky martin na bading s’ya at alam ko na ang ilan sa inyo ay halos matumba sa pagkabigla na ang isang katulad ni ricky martin na napakaharot sa entablado ay isa pa lang bading, naisipan kong gumawa ng listahan para naman sa mga babaeng may bahid ng pagdududa kung ang karelasyon n’ya ay isa ding bading at ayaw lang umamin.

bading ang isang lalaki pag:

1.
ang tawag n’ya sa lalaking best friend n’ya ay “best”
2. ang tawag n’ya sa babolgum ay chewing gum.
3. may lalagyan s’ya ng film sa bag na may lamang pulbo.
4. love radio ang istasyon n’ya sa FM.
5. HRM ang course n’ya.
6. nasa linya s’ya ng advertising.
7. picture n’ya ang wallpaper n’ya sa celfone o laptop.
8. umiinom s’ya ng kape sa loob ng jeep.
9. mas madalas s’yang gumamit ng emoticon kesa mag “hahaha” pag magkachat kayo.
10. bihira s’yang maglagay ng panyo sa bulsa, lagi n’yang hawak.
11. hawak n’ya ang celfone n’ya pag naglalakad kahit hindi n’ya naman ginagamit.
12. naka jogging pants s’ya pag naggi gym.
13. pag nadidiri s’ya imbis na magmura, yuck ang ginagamit n’yang salita.
14. hindi s’ya umiihi sa urinal, dumidiretso s’ya sa cubicle.
15. naka brief s’ya na puti.
16. wala s’yang pakialam sa laban ni pacquiao.
17. nagpupuyat s’ya tuwing sabado para manood ng walang tulugan ni german moreno.
18. paborito n’yang almusal ang century corned tuna .. dahil sinabi ni derek ramsey sa commercial na kapareho lang ang lasa nun ng tunay na corned beef.
19. may alahas s’yang ginto sa katawan.
20. ang username n’ya sa networking sites ay pinagsamang pangalan n’yo.
21. ang password n’ya ay inispell out na numero ng anniversary n’yo.
22. nauuna pa s’yang bumati sa’yo pag monthsary n’yo.
23. team edward s’ya.
24. team jacob s’ya.
25. ang primary pic n’ya sa facebook ay ‘yung nakasandal s’ya sa kotse n’ya o nakalabas ang kalahati ng katawan n’ya sa pinto ng sasakyan.

.. ok, hindi kabaklaan ‘yung pang huli pero seryoso, gugustuhin mo ba talagang maging boyfriend ‘yung ganun? ang yuck mo!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “dalawampu’t limang batayan kung bakla ang boypren mo”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s