tanong sagot 11

mga sinagot na tanong.
jncbrn.com/problema

T. pwede mo ba akong mahalin?
S. hindi, ubos na ang pagmamahal sa sistema ko. malisya na lang ang natitira.

T. pogi ba ko.
S. kumpara sa akin? hindi.

T. paano nagiging heart throb ang isang lalaki?
S. kung alam ko ang sagot, e di sana matagal ko ng naiwasan at hindi sana ako namumroblema ngayon. nahaakss!

T. anu mas masarap?,ang beer o babae?
S. BEER!

T. gwapo kba?
S. hindi, kaya wala kang makikitang picture ko sa net. ok, meron pero hindi.

T. bakit pink na to?
S. dahil ayokong tumulad sa iba na gumagamit ng madilim para magmukhang matapang ang dating.

T. girls ano ang panloob nyo kapag naka palda kayo, SHORTS or PANTY
S. ayokong lumabas na wala akong respeto pero ambobo mo.

T. tanong ko lang po kung anong course yung tinake-up mo?🙂 godbless.
S. nung una HRM kase wala daw masyadong math ‘yun kaso lang kalagitnaan naisip kong hindi bagay sa akin magluto kaya lumipat ako sa IT.

T. panget b c ella?
S. ellaganda? hindi, ella ganda nga di ba?

T. tama bang inumin ang biogesic sa may bulutong at mataas ang lagnat
S. oo naman, hindi naman ‘yan tatanggi.

T. hi sir. saang school ka po nagaral ng college?
S. perps laguna tsaka sa isang maliit na eskuwelahan sa alabang malapit sa sogo.

T. nakarating ka na ba ng INdia?
S. hindi pa, ikaw ba? joke, ‘wag mo ng sagutin wala akong pakialam.

T. Puwede bang ligawan yun girlfriend mo?
S. sa kanya mo itanong.

T. pnu poh bah ggawin koh kung gs2ng mkipagtanan ng kaibigan koh sah isang llake
S. e1 k0wpoez sa mukhah m0e poez

T. May balak ka bang magsulat ng libro o kaya pelikula?
S. sa tamad kong ito? wala.

T. ikaw ba si bob ong?
S. ngeks, hindi.

T. ginagaya mo si bob ong!
S. kung sa tingin mo s’ya lang ang may karapatan na magsulat ng tagalog at gumamit ng malalalim na salita, wala akong magagawa. katulad ng wala ka ring magagawa na sa tingin ko kulang ka sa yakap ng nanay mo at sobra ka sa yakap ng tatay mo.

salamat.

Jon Cabron
http://jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.