true story

kanina lang, habang papasok ako ng trabaho at habang sakay ng pedicab. mabilis lang halos isang iglap na hagip ng lingon lang pero hindi nakatakas sa mga mata ko ‘yung babae sa starbucks. ok, maaaring dinaya ako ng mga mata ko dahil sa bilis ng pangyayari pero kung hindi ako nagkakamali si katya santos ang nakita kong nakatayong may kausap sa telepono sa labas ng kapehan na ‘yun.
at sa mga ganung bibihirang pangyayari na makakakita ka ng artista, kahit pa sabihin mo na mabilis na senaryo lang ‘yun may mararamdaman ka sa sistema mo na tipong sasabog ang utak mo at maglalabasan ang mga mala gelatin na bahagi nun sa tenga at sa lahat ng butas sa mukha mo pag lumipas pa ang limang minuto na wala kang napagkuwentuhan nun. text agad ako sa isang pinsan ko.

” kilala mo kung sinong nakita ko sa starbucks? si katya santos at ang dyoga n’ya, ‘yun lang naman..”

wala akong natanggap na reply hanggang makababa ako sa pedicab at makapasok ng opisina. naisipan kong sundan ng isa pang text ang nauna.

“grabe pala talaga ang suso nun, parang ansarap dedehin hanggang makatulog ka”

andami ko ng nagawa dito sa opisina nung nakatanggap ako ng reply, binubuksan ko pa lang ‘yung mensahe n’ya naiisip ko na agad kung gaanong inggit ang mababasa ko sa nilalaman nun.

“jon, naiwan ni kevin ‘yung celfone n’ya sabihin ko na lang mamaya. asawa n’ya ‘to”

alam mo ‘yung literal na pakiramdam na bigla kang nahirinan ng adam’s apple mo? ganun ang naramdaman ko pagkabasa ko n’yan. may kung ilang minuto din na pakiramdam ko malalagas ang mga buto sa kamay at binti ko kung hindi ko iwawagwag ang katawan ko. nakaisip ako ng lusot, pero alam kong babahagya lang akong masasagip nito, pero bahala na.. mabuti na ‘to kesa wala. sumagot ako.

“hindi si jon ‘to, ibang kaibigan nila ‘to naiwan ni jon kagabi ‘yung telepono n’ya dito. tnx”

true story.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “true story”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s