blooper

ang init ng panahon kanina, tinanghali pa ako ng gising kaya doble pagmamadali ako kesa sa normal. mga naka anim na jeep pa siguro ang dumaan sa harapan ko bago ko natanggap na wala ng pag asang makasakay ako sa unahan ng jeep.
gaya ng pangkaraniwan, pagkaupong pagkaupo ko nag abot agad ako ng bayad ko. apat lang kaming sakay nung mga oras na ‘yun. isang lalaking nakasandong blue at mukhang mangangatay ng baboy sa palengke, katabi n’ya ‘yung isang matabang babae na mukhang magbabayad ng kuryente sa isang bayad center sa mall, at sa tapat ko ‘yung isang babaeng mukhang nagtatrabaho sa pabrika. ako lang ang nakaupo sa kaliwang upuan dahil mainit sa pwestong ‘yun. bente ang iniabot ko sa mamang drayber at hinihintay ko ‘yung sukli ko kaya hindi agad ako nakabalik sa dating pwesto ko sa duluhan ng jeep. may sumakay na isang payat na mama sa mismong pwesto ko kanina kaya hindi pa rin ako makabalik kahit nakuha ko na ang sukli ko, alam ko kase na obligado akong mag abot ng sukli n’ya pag magbabayad na s’ya. nakailang birit na ang sasakyan pero ‘di pa rin s’ya nagbabayad. ilang kilometro na ang tinatakbo ng jeep pero pinaglalaruan n’ya pa rin sa mga daliri n’ya ‘yung barya n’ya. sobrang init sa pwesto ko kaya umusog na ako papalapit sa kanya, sabay naman abot n’ya ng bayad. bigla ang akyat ng dugo sa ulo ko, matapang at pasigaw ko s’yang kinausap

“walangya kanina ko pa hinihintay ‘yang bayad mo, kanina ka pa. kung kelan nakaurong na ako dito papagapangin mo pa ako papunta sa drayber”

bakas sa mukha nung mamang payat ang pagkabigla at makikita sa mata n’ya ang paghingi ng paumanhin na hindi n’ya maisatinig.
biglang nagsalita ng mas mahinang sigaw pero mas matapang na boses ‘yung mamang naka sandong blue na mukhang kumakatay ng baboy sa palengke habang parang nilalamukos n’ya ako ng tingin..

“huwag mong idaan sa init ng ulo, pwede mo namang iaabot sa akin. kung sino ang nasa may unahan s’ya talaga ang obligadong mag abot ng bayad at sukli”

sa isip isip ko … oo nga naman.

tapos na ang kwento.

pakyu.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “blooper”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s