ang sweet

galing sa *formspring

FYI,kasalukuyang inspirasyon ko ang larawan ng gf mo sa pagsasaltik ko ngayon.May reklamo ka pare?Wala? Pakisabi sa kanya nakaka el xia!

* portal na tambayan ng tatlong uri ng tao. 1. nagtatanong 2. humahanga 3. mga duwag na nagtatago sa likod ng internet at nagtatalukbong sa isang website na katulad n’yan kung saan wala silang pangalan at pagkakakilanlan.

seryoso, iniisip mo ba talagang maiinis mo ‘ko sa ganyang klaseng tira mo? hindi ba talaga pumasok sa isip mo na bago ako gumawa ng account sa website na ‘yan e hindi ko naihanda ang sarili ko sa mga ganyang banat na kasing tanda na ng internet? masyadong mababa ang pagkakakilala mo sa akin kung ganun at sa ganung punto ako nalulungkot.
hindi ko lubos maisip kung gaano kaya kalakas ang nginig ng mga kamay mo at kabog ng dibdib mo bago mo natapos ‘yang maikling pangungusap na ‘yan dahil sa takot mo sa ‘kin at kung makailang ulit mong kinumpirma muna kung talaga bang hindi ka makikilala pag nagsalita ka sa formspring bago mo sinimulan ‘yan.
pero katulad ng sinabi ko hindi naman ako nagagalit sa’yo. bakit ako magagalit sa isang taong ang intensyon ay galitin ako pero hindi n’ya maitago ang paghanga n’ya sa akin? hindi ko inaangkin pero alam kong sa akin mo natutunan ang salitang “nakaka el” at “pagsasaltik” at ‘yung pagtanong na may kasamang sagot na patanong din. lutang na lutang ang paghanga mo sa akin, maraming salamat. alam mong kung ako ang tutumbukin ng maanghang mong dila, tatawanan lang kita kaya sa iba mo ipinahid ang laway mo. saulado mo ako masyado, maraming salamat.
kung babalikan ko mula umpisa ang kwento ng pagbablog ko bilang si jon cabron sa loob ng apat na taon masasabi kong malaking tulong kung bakit ako nakilala ay dahil sa mga tulad n’yong tinatawag na ampaw na boksingero, kayo ‘yung mga atletang kulang sa praktis, nakapag push up lang ng sampu dumayo na agad ng laban. wala pang nakakatalo sa akin sa patalasan ng dila, undefeated pero hindi ko p’wedeng ipagmalaki.. kase nga puro naman ampaw ang nakalaban ko.
kung seseryosohin ko ang sinabi mo eto ang isasagot ko, hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ‘yan at pangalawa bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya?
sa huli, sana ay naghatid sa’yo ng matinding kilig ang pagpansin at paggawa ko ng entry na ito. magaling na lalake ka naman siguro, iwasan mo na lang kaseng ikumpara ang sarili mo sakin.

oh at ‘yung paggamit mo ng “xia” imbis na “siya” para maitago pa lalo ang pagkakakilanlan mo, hindi uubra sa akin ‘yan hindi ako kahapon lang ipinanganak at hindi ako naligaw lang basta sa internet, tiga dito ako.

marry me?
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “ang sweet”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s