kalapati

mahilig mag alaga ng ibon ang kapatid ko. meron s’yang kalapati at iba’t ibang lahi ng lovebirds. bata pa lang ‘yan na ‘yung hilig n’ya. nung isang buwan lang pagkauwi ko galing ng trabaho inabutan ko s’yang may dala dalang kalapati na bago sa paningin ko, iyon daw ang bago n’yang alaga, magandang lahi wala akong alam sa pagkakalapati basta ang intindi ko ‘yun daw ‘yung pandayo, kumbaga pang malayuan kung ibitaw.
napansin ko din na bukas ang kulungan ng mga lovebirds, hindi ko na kailangang itanong para makumpirma kong binenta n’ya ‘yung mga ibon para pambili nitong bago. tuwing papasok ako sa trabaho madalas iniiwan ko s’yang hawak hawak ang kalapating ‘yun o kung hindi kaya nagpapatuka ng mga kalapati kasama ‘yung paborito  n’ya. mayabang ang dating nung isang kalapating ‘yun, inaaway lahat ng kapwa kalapating gustong sumalo sa pinagkakainan n’ya. siguro, alam n’yang iba ang lahi n’ya at siguro ramdam n’ya at ng lahat na s’ya ang paborito ng may ari sa kanila kaya walang lumalaban sa kanya.
makailang ulit kong tinangkang magsulat buhat pa kanina, pero kahit naka ilang palit na ako ng kwento at nakailang tangkang magpasok ng bago laging sa simula lang ang inaabot ko. sabi ko nga, parang pakikipag anuhan din ang pagsusulat, pag wala ka sa mood hindi mo p’wedeng ipilit. pag mali ang pasok, hindi ka makakatapos.
mahirap din ‘yung wala akong sariling ritwal pag nagsusulat. ibig sabihin pwede akong magsulat may yosi o wala, may kape o wala, kaya kong magsulat ng maingay at pwede din naman tahimik. ngayon ko lang naisip, kahit papano malaking tulong din ‘yung mga arteng ganun para maikundisyon ang sarili mong magsulat. parang ‘yung pagsigaw ng voltes team ng “let’s volt in” bago sila magsa robot at ibigay ang isandaang porsiyento ng lakas nila, o parang pageeksplika ni shaider sa mga armas na inilalabas n’ya bago n’ya gamitin ‘yun sa kalaban n’ya. ako, sinubukan kong gawin ang lahat kanina para lang mapiga ko ‘yung utak ko. sinubukan kong maglinis muna ng sasakyan, kumain, maligo, makipag kuwentuhan sa labas, makipag usap sa nanay ko, kumain, at maligo ulit pero talagang wala.
sinukuan ko na ang posibilidad na makapag sulat ngayong araw kahit na ang totoo punum puno ako ng kwentong gutay gutay sa utak ko. lumabas na lang ulit ako ng bahay at dun ko naabutan ang kapatid ko na bitbit ‘yung paborito n’yang kalapati. ibebenta n’ya na raw hinihintay n’ya lang ‘yung bibili. nagulat ako, hindi daw kase makapisa ng itlog ‘yung kalapating ‘yun, wala daw silbi.
ganun daw ang pag aalaga ng ibon, kahit gaano kaganda ‘yung tindig at balahibo kung hindi naman makapisa ng itlog, wala din ‘yong kwenta.

naisip ko bigla ang blog ko at ako, bilang manunulat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “kalapati”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s