tanong sagot 10

mga sinagot na tanong. TANONG/SAGOT

T. Jon, naranasan mo na rin ba dati makipag-sex habang nanunuod ng batibot? curious lang.
S. nasa sala ang tv namin, hindi mo naman siguro iniisip na wala akong manners para makipag anuhan sa katulong namin habang nasa sala kami.

T. saan ka kumukuha ng inspirasyon sa mga patuka mo sa utak sa tumblr?
S.
hmmm pag nasa mood ka lahat ng bagay na makita mo mapipitasan mo ng patuka e, pero mas madalas sa isang usapang matalino kusang lumabalas ang mga patuka ko sa utak,

T. Kaanu-ano mo si Ernie Baron(+)?
S. seryoso? kapitbahay. sa munti s’ya namatay di ba?
.. pakikalimutan na ‘yang sinabi ko kung mali ako.

T. ANO PO BA ACRONYM NA ICUTMC
S.
It Came Upon the Midnight Clear sabi ng google.

T. WHAT ABOUT SN,OHN, STTN
S.
patayin mo na daw ‘yang computer mo at magpa araw ka sa labas.

T. Smart ka o Globe?
S.
smart, dahil hindi ako probinsyano.

T. Taga san ka??
S.
muntinlupa.

T. ang tamad ng jowa ko hindi man lang ako tinulungan tapusin ang project ko e wala naman siyang ginagawa.ano kaya mgandang sabihin ko sa kanya?
S.
sabihin mo, jowa tulungan mo namang akong tapusin ang project ko wala ka namang ginagawa e. .. you are welcome.

T. Napanood mu na ba yung 500 days of summer na movie? anong masasabi mu don kung napanood mu na siya?
S. hindi, wala.

T. kaw ba si bob-ong?….bakit lagi ka nagtatago?damn2balone
S.
hindi at hindi ako nagtatago, hindi mo lang ako natityempuhan.

T. ano yung tattoo mo sa kanang paa?
S.
audentes fortuna iuvat.

T. anu ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon mo ng pagtatae?
S.
sana alam ko ang sagot sa tanong mo.

T. anong musical instrument ang natutugtog mo at anong paborito mong kanta gamit yun?
S. utot, starry starry night (oo na, vincent ang title n’yan)

T. ikaw ba si bob ong?
S. hindi.

T. idol moba si bon ong?
S.
magaling s’ya pero hindi.

T. saang hotel ka nagttrabaho?
S.
sa hotel na mas mahal pa sa sogo hotel.

salamat at pagmamahal,
Jon Cabron
TANONG/SAGOT

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.