tsekap

nakita mo na kung anong ibinunga sa akin nung obligadong checkup para sa annual medical namin? araw araw na akong nahihilo buhat nun. sinabi ko na naman dati alam ko naman na may sakit ako ayoko lang kumpirmahin sa pamamagitan ng pagpapacheckup dahil mumultuhin ako nun, araw araw at kada minutong dadalaw sa utak ko ‘yun hanggang sa bumigay ang katawang lupa ko. tignan mo, ayan na nga.

eto na yata ang pinakamataas na inabot ng bp ko, p’wera syempre ‘yung nagtangatangahan ako dati na ginawa kong droga ang kumbinasyon ng isang box ng extra joss at dalawang sachet ng kape. andaming naghihikayat sa akin ngayon na magpacheckup na ng totoo, kaya lang logic lang kase e, tignan mo lagi akong nahihilo at masakit ang ulo ko, may laman o wala ang tiyan ko sumasakit s’ya, ‘yung paa ko sumasakit din madalas, pag hapon at gabi pakiramdam ko lalagnatin ako, tapos tinubuan ako ng misteryosong tatlong singaw sa bibig ko, biglaan. natural kahit bata ang tanungin mo sasabihin sa’yo na talagang may mali sa sistema ko, may sakit ako. bakit ko pa kakailanganin ang kumpirmasyon ng duktor. sasama lang lalo ang pakiramdam ko. alam ko na naman ang sasabihin sa akin nung mga ‘yun iwasan ang alak at yosi, matulog ng maaga, at umiwas sa baboy.. kumain ng gulay at isda.. blah blah blah.
andaming kaibigan at ilang mahal sa buhay ang naghihikayat sa aking magpacheckup at lahat dinadaan ko lang sa biro at merong ibang pagkakataon na napipilitan akong mangako ng petsa kung kelan ko gagawin ‘yun dahil lang para matigil na. pero seryoso, malabo akong kusang loob na pumunta sa ospital para ipakutingting ang katawan ko. pag sinabi kong magpapacheckup ako sa araw ng sabado, biyernes pa lang kusang maggagalawan ang buong katawan ko para tutulan akong matuloy sa mismong araw na ‘yun o kaya bigla akong magkakaron ng biglaang lakad o emergency. s’yempre kung ako ang tatanungin gusto kong gumaling ako, nahihirapan din naman ako madalas lalo na obligado akong pumasok sa trabaho kahit may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. pero kung maghihintay tayo ng pagkukusa na sa akin mismo manggagaling, malabo.
may naisip akong paraan.. halimbawa kaibigan kita, alam mo naman kung ano ang pinakamabisang paraan para mapalabas mo ako ng bahay namin, yakagin mo ‘kong maginom isang gabi tapos lagyan mo ng pampatulog ang iinumin ko. pag bagsak ko tumawag ka ng ambulansya at dalhin mo ‘ko sa ospital. ipagawa mo na lahat ng gusto nilang gawin sa akin.. pagkagising ko, medyo hihilo hilo pa ako “ano na? sino ng tatagay?” at sa nanlalabo kong paningin igagala ko ang mga mata ko at dun ko lang mapapagtanto na nasa ospital na pala ako.. fuuuuuuuu

* dun sa picture, hindi totoong 5’6 lang ang height ko. walang sukatan nung nirecord ng duktor ‘yan tinanong n’ya lang ako at ayaw n’yang pumayag na 5’6 1/2 ako, wala daw enihalf enihalf.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “tsekap”

  1. tapos tinubuan ako ng misteryosong tatlong singaw sa bibig ko <<< STD kya itech? lols. at so gurly the page ha! flower as in flower, at pink kung pink!!!

    ..at bat kaya sa mid finger nagpa tattoo… hmmnnnn

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s