the late jon cabron.. again

may malaki akong problema, late na naman ako kanina at nasagad ko na ‘yung limit ng walong late isang buwan na isinabatas ng HR namin, pero hindi iyon ang pinaka sentro ng problema ko. nabanggit ko na kailangan ng written explanation pag nasagad ‘yung bilang ng late ‘di ba? iyon mismo ang problema, hindi ko alam kung papano ipapaliwanag ‘yung sitwasyon ko kanina.
naka alarm ang celfone ko ng alas kwatro sinko ng madaling araw, sapat na oras para mag inat ng konti, magcheck ng email at iba pang online accounts, maligo, at magbihis. ‘yung pagchecheck ng email at iba pang online accounts p’wede mong palitan ‘yun ng pagpindot ng snooze sa alarm mo para sa dagdag 10 minutes na kukumpleto ng tulog mo. ang totoo n’yan sa normal na usapan wala naman talaga akong problema sa paggising ng maaga, ang problema ko ‘yung pagtulog ng maaga. nadadamay na lang.
ganun nga ang ginawa ko kanina dahil pakiramdam ko, pag bumangon ako agad makakatulog na naman ako habang naglalakad papasok sa opisina. pinindot ko ‘yung snooze sabay tagilid ng higa. nagiisip pa ako habang nananginip, bakit parang antagal naman tumunog ng alarm? sabi ko pa, iba talaga ang mundo sa panaginip, ambagal ng oras. ng biglang pumasok sa sistema ko ang realidad.. imbis na naman na snooze ang mapindot ko, sa sobrang antok stop ang nahagip ng daliri ko na sinangayunan ng mata kong kalahati pa lang nakakamulat nung mga oras na ‘yun. ang oras? 5:35 am, ang oras ng trabaho ko? 6am.
bigla ang lundag ko ng nakahiga sa kama, diretso sa kuhanan ng isusuot, inabot ko ng kanang kamay ko ang tuwalya sa sampayan habang tumatakbong nasa kaliwang kamay ko ‘yung boxer shorts ko ng nakahubo. nagbuhos ng tatlong tabo, nagsabon ng braso at mukha, banlaw ng limang buhos.. mumog ng colgate, tapos.
mabilis akong nagbihis, hawak ang old spice deodorant na parang stick pero cream sa kaliwa at ‘yung gel na stick na panlagay sa buhok sa kanan, habang nakaharap sa salamin. nakailang hilamos na ako ng inaakala kong gel stick sa buhok ko tsaka ko lang napansin na ‘yung mismong cream ng deodorant pala ang ginagamit ko. kaya takbo ulit ako sa banyo para mag shampoo ng buhok ko, pero nabasa pati ‘yung pantalon at boxers ko kaya pagkatapos, naghanap pa ako ng plantsadong pantalon ulit.
pag bagong shampoo ang buhok mo matagal kapitan ng gel ‘yun kaya nagtagal pa siguro ako ng sampung minuto bago nakuntento sa kaitsurahan ko dun. at dahil sa mga pinagdaanan kong ‘yan syempre badtrip ako kaya nagyosi muna ako bago sumakay ng jeep sa kalsada. tapos masiba pa ‘yung drayber ng jeep na nasakyan ko, tapos baguhan lang ‘yung kunduktor ng bus kaya kusang binabagalan nung drayber ‘yung pagmamaneho n’ya para matapos masingil ng kunduktor lahat ng pasahero bago sila dumating sa babaan, matanda pa ‘yung drayber ng pedicab kaya ambagal. tapos pinaayos ko pa ‘yung pagkakalagay ng siopao nung tindero sa mini stop papa’no basta na lang isinama sa mga kape at yosing binili ko.
ang problema ko,tanggapin kaya ng HR namin ‘yang sitwasyon kong ‘yan, papano ko kaya maipapaliwanag ng maayos ‘yan… english pa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “the late jon cabron.. again”

  1. dear hr,

    i was late today because of some personal issue (Hr, pag sinabi ng personal wag ka na makialam pa, okay)

    regards,
    jc

    ———————————————————————

    jc,

    i will give you this and that penalties due to personal issue too..

    regards,
    hr

    ——————————————————————–

    hr,

    fuck you!

    jc the smiling boss

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s