pwede bang wag nyo na lang munang basahin ‘tong kabaduyan na ‘to?

gaya ng dati. ordinaryong araw, bakasyon sa trabaho at mainit sa labas kaya masarap lang magkulong sa kwarto at magbabad sa harap ng computer habang tinututukan ng hangin. gusto kong isipin na sa mga ganitong kasimpleng sitwasyon karaniwang nagaganap ‘yung mga pagkakataon na hindi mo inaasahan. maniwala ka, alam ko. wala nga lang akong sapat na batayan.
kinuha ang atensyon ko ng isang message sa email, may nag add daw sa akin sa facebook. halatang hindi tunay na pangalan ang ginamit pero bago ko pa lang buksan ang facebook account ko may duda na ako kung sino s’ya. “gelpren”  ko s’ya nung grade 4 pa lang kami, kaklase s’ya ng mga pinsan ko sa ibang eskuwelahan. batang relasyon lang ‘yun, walang halikan at walang hawakan. basta alam mo lang na sa kanya ka at sa iyo s’ya… basta otomatik na pag naglalakad kayo, lagi kayong sabay. pag bayadan sa dyip lagi kayong naglilibrehan, pag kakain sa jollibee lagi kayong tabi, at pag may bagong kanta, dedicated sayo at sa kanya. mga ganung kakornihan.
katulad ng hindi ko maalala kung papano nagsimulang maging kami, hindi ko na rin maalala kung papano nagtapos kung anong meron kami. siguro ganun kawalang halaga sa akin ‘yung bagay na ‘yun nung mga panahon na ‘yun. pero kanina nagpawis ‘yung mga kamay ko nung inaccept ko ‘yung friend request n’ya, tapos hindi pa s’ya nakuntento nag message pa s’ya sa akin. at iyon ang problema ko ngayon, pag ang isang tao pala hindi mo sa internet lang nakasalamuha may mga simpleng tanong na parang ang hirap sagutin, kung dito lang ‘yun madaling sagutin katulad ng mga tipikal na sagot ko sa ganun kasimpleng tanong ng pangangamusta, “ok lang ako, at ikaw?” pero eto ang hirap, nakakatakot kase na baka pag iyan ang isinagot ko tapusin n’ya ang reply n’ya sa tuldok lang, baka hindi na masundan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “pwede bang wag nyo na lang munang basahin ‘tong kabaduyan na ‘to?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s