kung hindi ka na masaya sa trabaho mo hayaan mong palitan ng mas karapat dapat na tao ang pwesto mo, ‘wag mong hayaang malugi ang kumpanya ng dahil lang sa isang taong tinatamad gampanan ang tungkulin n’ya.

naiimagine mo ba kung gaano kalaking sakripisyo sa isang katulad kong bente nuwebe anyos ang matulog ng napakaaga? kunyari, alas nuwebe ng gabi para lang magising ng maaga, halimbawa alas kwatro ng madaling araw para pumasok sa opisina? hindi na ako makapag internet sa madaling araw, hindi na ako makatambay, makapag puyat, parang hindi na ako tao, paksyet.
ano ang punto ko? ang sa akin lang kung pumapasok tayo sa opisina para magpahinga, sa bahay na lang natin gawin ‘yun. maniwala ka sa akin, napaka isandaang porsiyento na mas magiging kumportable tayo kung sa bahay natin ginagawa ‘yung pangkaraniwang ginagawa mo sa opisina katulad ng pagcha chat, pagtulog,  at pagtatanim sa farmville mo. ‘wag mong itulad ang sitwasyon mo ngayon sa dati nung nagaaral ka pa lang na ang paborito mong subject ay recess at pumapasok ka lang para maghintay ng uwian. walang kokontra sa’yo dati kung ganun ang gawain mo dahil una, pera naman ng magulang mo ang sinasayang mo at pangalawa, buhay at kinabukasan mo naman ang sinisira mo.  malayung malayo sa ngayon na may mga nasasakupan kang umaasa sa’yo at may kumpanyang binabayaran ang serbisyo mo. sabi ko nga, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo hayaan mong palitan ng mas karapat dapat na tao ang pwesto mo, ‘wag mong hayaang malugi ang kumpanya ng dahil lang sa isang taong tinatamad gampanan ang tungkulin n’ya.
kung gagawing pang araw araw na sitcom ang department natin mura lang ang ibabayad sa’yo, wala ka naman kaseng dialogue lagi. parang hindi lang dumating ‘yung props na mga halaman at kinulang ng pintura sa pader kaya pinaupo ka na lang sa harap ng dingding para pagtakpan ang kakulangan nito.
alam mo kung anong mas maganda? ‘wag ka ng pumasok tapos ‘yung upuan mo lagyan na lang natin ng rebulto ng santo. para kung sakaling tatawag man kami sa kanya, kahit alam naming malabo may sagot pa rin kaming aasahan.

oh at ikaw na nagbabasa nito, tutal andyan ka na rin lang.. kung nakaadd na ako sa facebook mo (joncabron@gmail.com) signup ka sa miniplanet tapos add mo ‘ko. masaya ‘yan parang sims na online at oo, napakaraming posibilidad.

oo na, ang ironic na matapos kong maglitanya ng ganun e bigla akong magaalok ng laro sa dulo.. oo na, naiintindihan na kita, ‘wag mo na lang akong pakialamanan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “kung hindi ka na masaya sa trabaho mo hayaan mong palitan ng mas karapat dapat na tao ang pwesto mo, ‘wag mong hayaang malugi ang kumpanya ng dahil lang sa isang taong tinatamad gampanan ang tungkulin n’ya.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s