FML

marahil ang iba sa inyo may hangover pa ng kakatapos lang na valentines day. baka ang iba sa inyo masakit pa ang katawan o pinupulikat pa rin ang mga paa. ngayon magandang bumili ng bulaklak, bagsak presyo malamang. sa mga motel naman medyo punuan pa rin ngayon siguro dahil nung napagdesisyunan n’yo ng syota mo na ‘wag ng makipag sabayan sa mga magsyotang pupunta dun sa mismong araw ng mga puso, hindi kayo nagiisa. may kung ilang libo din kayong magkakalaguyo na pare pareho ng naiisip. sa mall, normal na siguro. sa tatlong lugar lang siguro ng mall maraming magsyota sa mga oras na ‘to.. sa sinehan, sa macdo, at dun sa may arcade. ‘wag din nating kakalimutan na may kung ilang araw pa tayo para mag disk cleanup, mga isang buwan pa siguro bago kumalat ang mga bagong sex scandals na ‘yan.
wala akong naaalala sa buong buhay ko na nagcelebrate ako ng valentines day at wala din akong naaalala na may babaeng binigyan ko ng bulaklak sa buong buhay ko maliban dun sa isa na talagang inobliga ako. JS PROM namin nun, third year kami at nanay ko pa ang bumili ng isang dosenang rosas na ‘yun. walang kakilig kilig kong ibinigay sa kanya, sabog na sabog ako nung mga oras na ‘yun. niyaya ko s’yang magtanan habang isinasayaw ko s’ya ng sweet, nagalit s’ya. umiyak ako, hindi na kami nagusap nung gabing ‘yun. naiwan pa ako ng sasakyan kaya nakisabay na lang ako sa sasakyan ng mga teacher.
ni minsan hindi ko pinaghandaan ‘yang okasyon na ‘yan.. isang simpleng araw lang sa akin ‘yan na inimbento ng mga tusong kalalakihan nung unang panahon para may dahilan silang mayari ang mga gelprens nila. pero aminin man natin o hindi, minsan kahit papano may kurot pa rin na bigla na lang papasyal sa sistema mo pag halimbawa walang anu ano biglang nag sink in sa’yo ‘yung realidad na kung iisipin mo habang mag isa ka lang na nananahimik sa isang sulok ng kinalalagyan mo, sa ibang banda naman may mga mag sing irog na masayang nagsusubuan ng ice cream at ng mga kung anu ano pang posibilidad na pwede nilang isubo.
tulad ko nung araw na ‘yun. may pasok ako sa opisina. linggo, kaya ako lang mag isa. hindi ko naman iniisip pero bigla ko na lang narealized na parang nakakalungkot naman na araw ng mga puso at mag isa lang ako sa malamig na opisina, nakadagdag pa sa bigat ng pakiramdam nung dun ko lang napansin na may kung ilang oras na palang wala akong ginagawa kundi manood kung papano humalik si jay manalo sa youtube. ginugol ko ng mag isa sa malamig na opisina ang araw ng mga puso sa panonood kung papano humalik si jay manalo sa internet. FML.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “FML”

  1. wag kang mag alala mr. cabron, hindi ka nag iisa.. marami tau…Ü at talagang ginogle q yang fml na yan dahil di q alam yan..Ü parang ssdd den na lately q lang nalaman kung ano ibig sabihin..Ü keri lang yan…Ü

    1. aww, i’m so sorry naman di q nalinaw. ibig kong sabihin, hindi lang ikaw ang malungkot ang balentayms..Ü at hindi q pa napapanood sa youtube yang pakikipaghalikan ni jay manalo. dahil jan, binigyan mo q ng idea na i search sa youtube yan..Ü

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s