tanong sagot 8

mga tanong at mga hindi tanong.
jncbrn.com/problema

T. magaling ka?
S. oo.

T. kung ikukumpara mo sa isang pagkain ang sex, ano ito at bakit?
S. sa adobo, iba’t ibang klase ng pagluluto at lahat espesyal pero may isa kang hahanap hanapin.

T. testing😄
S. tnx.

T.
alam ko na kaya mong mahalin ng sabay2x ang 4 na babae pero kaya mo rin bang tumae at dumighay ng sabay?
S. oo, dahil ako si jon cabron.

T. paanu ko mapapabalik ex ko? at paano ako mapapansin nang crush ko?
S. hindi mo pwedeng pagsamahin sa iisang tanong lang ‘yang dalawang ‘yan. malandi!

T. ano ba ang pinagkaiba ng lalaking faithful sa lalaking loyal?
S. ang lalaking faithful hindi lumalandi sa iba, ‘yung isa naman lumalandi sa iba pero isa lang ang minamahal.

T. ano personal mong palatandaan sa isang liberated na babae?
S. pag pinagnasahan ako ng isang babae, kaliberatedan ‘yun.

T. Haha. At ako’y kinilig sa inyong sagot. Hindi ko po inaasahang matutuwa kayo sa paraan ng aking pagsagot sa aking mga FormSpring dahil kagaya ng sabi nila, bastos daw ako mangusap. Oh well papel. I’ve been hearing a lot from you mula kay MarianoJuancho.kaththecrapout
S. malapit ang puso ko sa mga taong “bastos mangusap” oh pakikamusta ako kay huwantso’

T. kung bibigyan ka ng pagkakataon, bakit?
S. dahil gusto ko lang. eka tama ba akong ‘yung sasapakin kita sa bibig ang tinutukoy mo?

T. Kung ang kalesa ay tumatakbo ng 1 meter/second at ang kotse ay 20 meters/second, saan ka pwedeng bumili na manok na pangtinola?
S. sa pagmumukha mo.

T. gumagamit ka ba ng boxer shorts na powerpuff girls ang design?
S.
hindi ako namimili ng design ng boxer shorts. dahil ang trabaho ng boxers sa akin e pantakip sa maselang bahagi ng katawan ko kesa pamporma. ok, pwera na lang kung may naka sched akong anuhan.

T. mayabang ka joncabron
S.
sabihan mo ‘ko ng mga bagay na hindi ko pa alam.

T.
ano ang ginagamit mong deodorant?
S. dasal lang at pagtitiwala.

T. bakit nagadd ako syo sa twitter pro hindi mo nman ako inadd??
S. para iadd kita dapat kakilala kita o nakakuwentuhan na kita kahit sa YM man lang para sa ganun subok ko na kung interesante ka bang tao. tama, iyon ang pinaka susi dun. pag nakita kong interesante ‘yung mga pinagsasasabi mo para sa akin. otomatik na ‘yun. at isa pa, kailangan mong maging madaldal.

T. sino ang idol mo sa pagsusulat ng blog and influences na rin? thanks
S. ‘yung totoo, mayabang pakinggan pero wala. madaming magaling at marami akong nababasa na talagang napapatunganga ako sa husay pero mas nagagalingan ako sa nabasa ko mas iniiwasan kong balikan ‘yung blog na ‘yun. dahil aminin man natin o hindi paniguradong sa mga susunod na entry mo malamang may impluwensya na nung nabasa mo. madalas nakukunsensya ako pag ganun na matapos kong magsulat at habang sinisimulan kong basahin ‘yung sariling gawa ko, hindi ko na mamukhaan ang sarili ko.  hindi ko kailangan ng impluwensya para ikuwento ang buhay ko o buksan ang isip ko sa inyo. mayabang pero totoo.

salamat.
Jon Cabron
jncbrn.com/problema

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.