the late jon cabron

late ako ng 40 minutes kanina dahil sa trak ng san miguel beer na bumangga sa sementong bakod sa may expressway, memo ako panigurado nito next month. seryoso, hindi ko maintindihan ‘yung punto ng pag late ka ng sobra o late ka ng madalas kailangan kang bigyan ng memo at kailangan mong sagutin ‘yung memo na ‘yun kase ‘di ba babawasan naman ‘yung sweldo mo bakit kailangan mo pang magdusa sa paggawa ng sulat para ipaliwanag kung bakit ka late, may naghihintay naman na tao sa department n’yo ibig sabihin hindi naman nabakante ‘yung pwesto mo, sa madaling salita walang lugi ang kumpanya sa’yo. kung meron mang nawalan sa pagkakataon na ‘yun, ikaw ‘yun:

1. hindi maganda sa pakiramdam ‘yung nasa loob ka ng pampublikong sasakyan at nararamdaman mong unti unti kang nilulunok ng oras.

2. pagbaba mo ng bus, patakbo takbo ka sa kalsada at nakikipag patintero sa pagtawid.

3. babagsak ang moral at balikat mo pag swipe mo ng id mo dahil sa realisasyon kung ilang oras kang late.

4. pagtitinginan ka ng mga katrabaho mong makakasalubong mo.

5. bawas sweldo.

siguro maiintindihan ko lang ang konsepto ng memo na ‘yan kung may criteria na susundin at may nakatalagang puntos na pag nakapasa ka hindi na babawasan ang sweldo mo, halimbawa:

maayos na paliwanag = 40%
bigat ng sitwasyon at dahilan = 20%
pagkakaayos ng talata = 5%
purong english = 5%
walang bura at maling spelling = 10%
mga matatamis na pangako = 20%

para sa akin ang pito na nangungunang kagaguhang pangako na madalas binibitawan sa isang opisina. una, ireregular kita pag sumama ka sa akin. pangalawa, kahit isang gabi lang. pangatlo, wala namang makakaalam. pang apat, papanagutan ko naman pag nabuo. panglima, binata pa ako. pangpito, wala akong ginagawa d’yan shinutdown ko naman ng maayos kahapon ‘yan. at pang anim, hindi na ako male late. dahil seryoso, hindi mo naman kontrolado ang trapik sa kalsada, hindi naman ikaw ang driver ng trak ng san miguel at lalong hindi mo naman kayang iilag ang sementadong bakod sa mga truck ng san miguel na gustong bumangga sa kanya. ang sabihin mo nangangako ka na mas maaga ka pa gigising at mas bibilisan mo pa ang kilos mo sa susunod.
‘yun ang tama.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “the late jon cabron”

  1. bitter much?!Ü tanong q din yan eh. naiintindihan q na kailangan magbigay ng memo pero sana wag ng may written explanation pa. pede namang itanong na lang nila kung bakit ka late diba. dagdag trabaho pa yang written explanation na yan.. base on my experience lang naman..Ü lage kz q lateÜ

  2. i agree with you. hate ko nga nagbibigay ng memo, asking for a written explanation, pag may mga tao ako na 3x a month late. kse naman, sino ba gusto ma-late di ba?

    pero matawa ka, may 1 ako tao 9x late in a month. shempre disciplinary action yun. ano ang nakakatawa? walking distance lang ang bahay nya sa plantang pinagt-trabahuhan namin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s