‘yung mga kabataang nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, tapos kalbo

alam mo eto sa totoo lang, nakakatakot nang maglalabas ng bahay ngayon sa mga panahon na ‘to. bakit? dahil sa dami ng mga tatanga tangang kabataan na umiidulo kay jason ivler. nakita mo na ba ‘yung fan page n’ya sa facebook? nabasa mo ba ‘yung mga komento ng mga kabataan? ‘yung mga “ang gwapo mo jason, sana sa amin ka na lang nagtago” , “idol magpagaling ka tapos tumakas ka d’yan resbakan mo sila”, “idol pag yumaman ako itatakas kita d’yan tirahin natin lahat ng umaapak sa atin” hahaha tangena n’yo! eto ang hirap sa ating mga pinoy, ke sumikat ka dahil pumatay ka ng tao o sumikat ka dahil namaril ka ng pulis, kumain ng tae, o lumunok ng piso astig ang tingin sa’yo ng mga kabataaan, sikat ka eh.
nung nakita ko sa facebook ‘yan kanina akala ko maliit na bagay lang pero habang nasa jeep ako pauwi, may sumakay na binatilyo.. nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, kalbo, at may nakasinding yosi sa bibig. pagupo n’ya sa jeep tinitigan n’ya lahat isa isa ‘yung mga kasakay n’ya pati ako. lumaban ba ako ng titigan? tangena, s’yempre hindi. bakit? dahil malamang papatayin ako ng taong ‘yun dahil kakapanood n’ya lang kay jason ivler kagabi. sa labas ng jeep sa maynila, lahat ng kabataan na nakatambay pakiramdam mo naghihintay lang ng away, lahat handang makipagsagupaan. taragis, napapaligiran na tayo ng mga kabataang pahiphop hiphop at hindi natatakot manakit ng tao, lahat ng kabataang tambay mala jason na. at alam mo kung sino ang nakikinabang sa pagkakataong ‘to? ‘yung mga barbero sa barberya sa dami ng nagpapakalbong kabataan ngayon. buti na lang din last day ko na ng panggabing shift kanina, ayoko ng maglakad sa kalsada ng gabi, nakakatakot. hindi naman sa duwag o ano dahil ano naman ako e, ahhhm sa totoo lang handang mamatay.

yeah men.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “‘yung mga kabataang nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, tapos kalbo”

  1. nyaahahaha..!!! tgal ng uso yng gnyang porma pro di ko akalain n yng mga gnyang porma pla dpat ktakutan..heheheh!!! :grinnod:
    pnahon p lng n Ivler s TGIS, nkikita ko n nun n may pkasinto sinto un😆 ooppppsss sori s mga ng iidolo s knya

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s