katitian

at kahit gaano pa kapait ang naging dahilan ng paghihiwalay n’yo, kahit gaano pa kaganda ang pinagdaanan na nauwi din sa wala dadating pa rin minsan ang pagkakataon sa inyo matapos ang mahabang panahon na hindi n’yo maiiwasan.. ang pagkakataong magusap at dalawa lang ang posibleng kalabasan ng paguusap na ‘yun. manumbalik ang dating pakiramdam o maibigay ang closure na matagal mo ng hinihintay.
may kung ilang taon din kaming nawalan ng komunikasyon matapos ang hindi masyadong magandang paghihiwalay na ‘yun. dati kahit papano may mga naririnig pa rin akong balita patungkol sa kanya galing sa mga kaibigan namin hanggang sa dumalang ng dumalang. basta ang huli kong balita, nasa ibang bansa na raw s’ya at may asawa na.
nagulat ako ng nakatanggap ako ng email mula sa isang pamilyar na pangalan. tungkol daw ito sa reunion namin sa katapusan ng january, may isang kaklase daw ng highschool ang nagbigay ng email address ko sa kanya dahil ako daw ang nakakaalam ng mga detalye sa reunion na ‘yun. hindi nakaligtas sa mga mata ko na pangalan pa rin n’ya nung dalaga pa s’ya ang ginagamit n’ya. matapos ang ilang palitan ng mensahe at detalye, nagpasya akong ibigay ang YM id ko sa kanya, para mas mabilis. real time.
mas naging mabilisan ang palitan namin ng impormasyon sa YM. sakto daw ‘yung reunion dahil paalis na rin s’ya pabalik ng ibang bansa sa kalagitnaan ng susunod na buwan. kamusta na raw ako, mabuti naman ako at mabuti din naman daw s’ya, masaya, at hiwalay sa asawa. madami pa kaming napagusapan na walang kinalaman sa gaganaping reunion, medyo personal ang iba pero masaya ako na walang sumbatang naganap. may mga pahaging na usapang mapapadako sa kumbinasyon ng alak at betsin pero kung hindi ako, s’ya na rin ang naglilihis ng usapan. siguro nga, kahit papano napatawad n’ya na rin ako.
madami pa kaming napagusapan. kamusta na ang nanay ko, ayos naman. at ang tatay n’ya gago pa rin. hanggang sa bigla na lang pumasok sa isip ko na unti unti ng nawawalan ng buhay ang usapan at nawalan ako ng kontrol naramdaman kong malapit na s’yang bumitaw sa usapan. at sa desperado kong pagtatangka para sumubok bigyan ng hanging mahihinga ang usapan hindi ko alam kung saan nanggaling basta naitanong ko lang sa kanya kung nanonood s’ya ng PBB, alam ko wala akong kwenta. oo daw. tinanong ko kung kilala n’ya si rocky salumbides ‘yung girlfriend ni amor powers. oo daw ulit. nararamdaman ko na nasa mga kamay ko na ang panibagong buhay ng usapan, eh nakita mo na ba ‘yung hubong picture ni rocky?

Jon: ang liit no?
Ex: ganyan naman talaga pag malambot ‘di ba? tsaka mas malaki pa nga ‘yan kesa sa’yo.
Jon: … hindi ako artista.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “katitian”

  1. hahahahah, napatawa talaga q ng bongga…Ü nakita q na ung pic na yan ng buong buo..Ü at nagulat aq sa nakita q..Ü matas lang cguro expectation q..Ü isa lang ibig sabihin nian, hindi lahat ng artista/model eh, malaki ang chever..Ü tsaka wala naman sa laki o liit un, nasa performance pa rin un….Ü

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s