deja vu

late ako kaninang dumating sa opisina, bali kagabi ‘yun dahil kakauwi ko lang ngayon galing sa panggabing shift. nasiraan ‘yung bus na sinasakyan ko sa mismong kalagitnaan ng skyway. ganda pa naman ng katabi ko. kung kelan nahuhuli ko s’yang tumitingin sa akin at kung kelan sinasadya ko ring mahuli n’ya akong nakatingin sa kanya. sabi nung kunduktor baba daw muna lahat ng pasahero ayaw daw pumasok ng clutch ng sasakyan, hihintayin pa daw ‘yung susunod na kaparehong bus tapos dun daw kami ililipat o kaya kung may nagmamadali daw at tyempong may dumaan na kalabang bus at tumigil sa tapat namin, ipakita lang daw namin ‘yung tiket namin sa kanya tapos irerefund n’ya daw ‘yung pamasahe lumipat na lang daw kami dun. hindi ako umalis sa kinauupuan ko hanggat hindi ko nasigurado na bababa na ‘yung babaeng katabi ko. umiling ako nung nagkatinginan kami, ngumiti s’ya tapos bumulong ng “malas”. sabay kaming bumaba. pinanonood ko ‘yung kunduktor at drayber habang magkatulong nilang kinukumpuni ‘yung bus, nasa tabi ko ‘yung babae nagtetext.
maya maya may dumaang bus na iba ‘yung tatak, pinara ng kunduktor namin nagusap sila saglit ng kunduktor sa kundukor maya maya sumigaw s’ya sumakay na raw ‘yung nagmamadali, tayuan nga lang. nag unahan sa pagsakay ‘yung ibang kasakay namin kanina, lumingon ako sa kanya tapos tumingin s’ya sa akin.. naiwan kaming dalawa tsaka may walo pang ibang pasahero sa skyway. binilang ng kunduktor namin ‘yung nabawas at sumakay sa kabilang bus, nagusap sila ulit ng kunduktor sa kunduktor may inabot s’yang pera tapos umalis na ulit ‘yung bagong dating na bus.
anlamig ng hangin, nakakainip ‘yung susunod na bus. naiinip na ‘yung ibang kasakay namin kanina na mga nagpaiwan din katulad namin, nagtetext pa rin ‘yung babae sa tabi ko, at pinapanood ko pa rin ‘yung kunduktor at drayber ng bus. nagtext ako sa supervisor na male late ako tapos sinabi ko ‘yung dahilan. pag angat ng ulo ko kausap na nung babae ‘yung kunduktor, kinukuha n’ya ‘yung bayad n’ya lalakarin n’ya na lang daw hanggang baba tapos dun s’ya magaabang ng bus na galing sa ibaba. kinuha ko din ‘yung bayad ko, sabay kaming naglakad. sa isip ko anlayo pa, halos hindi ko matanaw ‘yung dulo ng kalsada. anlamig ng hangin, nakakatakot ‘yung mga ibang sasakyan na nakakasabay namin at nanggagaling sa likod. pinarinig ko sa kanya ‘yung malakas na bulong ko “malas” hindi s’ya kumibo pero tinignan n’ya ako. medyo malayu layo na ‘yung nalalakad namin maya maya tumigil s’ya, hindi ako nagpahalata pero binagalan ko ang lakad ko naiwan ko s’ya ng mga ilang hakbang , pagtingin ko sa likod ko pabalik na s’ya sa bus na pinanggalingan namin. hindi pa rin umaandar ‘yung bus at wala pa din namang paglilipatan na sasakyan, siguro napagod na lang s’ya at sumuko dahil alam n’yang malayo pa ‘yung lalakarin namin. nahiya na akong sundan s’ya, pinangatawanan ko ‘yung paglalakad kahit mag isa na lang ako. malamig pa rin ‘yung hangin at mas lalong naging delikado ‘yung mga sasakyan sa likuran ko dahil mag isa na lang ako. tatlong bus siguro ‘yung lumagpas sa akin bago ako nakarating sa dulo at hindi ko alam kung nakasakay na s’ya sa isa dun.

.. naalala ko ‘yung girlfriend ko dati.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “deja vu”

  1. wala ka pa rin kupas G.Cabron sa pagsusulat mo. bahagi na tlga to ng pagkatao mo. uyy nakita ko yung pibertdei pics mo. nice.

    pasulpot sulpot lang ako dito. nakikidaan lang din. anyway nice layout, di ako fan ng pink pero bagay din naman sayo kahit di pa kita nasilayan nang personal *ehem walang ibig sabihin un*

    keep it up!๐Ÿ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s