buhai

kakaiba sa akin ang pakiramdam na ‘to dahil  ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. parang hindi ako, ewan ko pero sobrang positibo ang tingin ko sa taon na ito. hindi ordinaryo sa akin ‘yung ganito na pag lumalabas ako ng bahay ang gaan ng pakiramdam ko. parang lahat ng bagay at sitwasyon pag tinitignan ko ibang mata na ‘yung ginagamit ko, lahat ng sitwasyon otomatik na nahahanapan ko na ng kapositibuhan. siguro nga dahil sa taon na ‘to trenta na ako nag iba na ‘yung anggulo ng tingin ko sa mundo, sabi nga kahit ‘yung basong may basag sa labi pag tinignan mo ng ibang anggulo makikita mo rin ‘yun ng buo. habambuhay tayong estudyante ng buhay. ang buong mundo ang eskuwelahan at ang lahat ng karanasan na pagdadaanan mo ang teacher. mabilis magturo ang teacher kaya kailangan mong magbigay ng atensyon. pag nalingat ka ng konti dahil nalibang ka sa pakikipag kuwentuhan sa katabi mo, mapag iiwanan ka ng lahat. maraming tinuturo ang teacher na hindi n’ya na inuulit. hectic ang schedule mo bilang mag aaral, mula pag gising mo kaharap mo na ang teacher at buong araw ka n’yang tuturuan.. long quiz tuwing bago matulog.
walang katapusang byahe ang buhay. dire diretso ito at walang panahon para maghintay sa taong babagal bagal kumilos. walang stopover, bawal bumaba muna para magyosi, at bawal dumaan sa gasolinahan para umihi. lahat ng makikita mo sa bintana tandaan mo na, simutin mo ng paningin mo lahat ng gandang makikita mo dun dahil walang kasiguraduhan kung sa pagbalik ng sinasakyan mo parehong kalsada pa rin ang dadaanan n’yo. kung gaano karami ang sumakay madalas ganun din karami ang bababa sa dulo, iba ibang mukha na nga lang. saya at lungkot ang mararamdaman ko pag narating ko na ang babaan sa dulo. masaya dahil nakasakay ko sila at masasabi kong dahil sa kanila naging masaya ang paglalakbay… pero malungkot, dahil hindi nila tinapos ang byahe na kasama ako, bumaba din sila.
walang katapusang boksing ang buhay at ang buong mundo ang ring. isa ka sa manlalaro at ikaw din ang referee. ikaw lang ang makakapag patigil sa laban at ikaw lang ang makakapag panalo sa sarili mo. ikaw ang bahala kung papano mo gustong tapusin ang laro. sa boksing hindi ka lang dapat malakas sumuntok, dapat magaling ka rin tumanggap ng suntok ng kalaban sa mukha mo dahil hindi laging ikaw ang may pagkakataon na magpakawala ng unang suntok at s’yempre dapat magaling ka ring mamili ng iilagan.
sa buhay, hindi mo masusukat ang tunay na kakayahan mo kung hindi ka tinatablan ng suntok, mas maipapakita mo ang tunay na lakas mo kung papa’no mo itago ang sakit na nararamdaman mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “buhai”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s