tanong sagot 4

mga tanong at hindi mga tanong.
http://jncbrn.com/problema

T. ano ang pinakatangang bagay na ginawa mo ?

S.
seryoso, wala ako akong maisip sa ngayon. naniniwala kase ako na magiging katangahan lang ang isang bagay pag wala kang napala galing dun o pag wala kang ginawa para maitama ‘yun at hinayaan mo lang na pagsisihan mo ‘yung bagay na ‘yun. halimbawa, disinwebe pa lang ako may asawa na ako masyadong bata ‘di ba? pero kung hindi nangyari ‘yun wala si polin, o baka wala na rin ako ngayon dahil malamang pakalat kalat pa rin ako sa kalsada sa loob ng sampung taon. mas mabuti nang sumubok akong magdrugs nung high school pa lang ako kesa ngayon na may trabaho na ako at easy access ang drugs at pera. malaki ang nasayang ko sa mga kursong nilaro ko lang nung kolehiyo, pero kung hindi nangyari ‘yun hindi sana ako nagkaron ng interes sa computer. wala akong naiisip na sobrang katangahan na nagawa ko sa buhay na sa sobrang bigat dala dala ko pa hanggang ngayon, marami akong pinanghihinayangan sa buhay ko, mga sana ganto tsaka sana ganyan.. pero sabi ko nga, mabilis akong tumanggap ng mga bagay na wala ng kalutasan.

T. ano ang pinakamasarap na ginawa mo sa babae ? yung tipong ngeenjoy sya habang ginagawa mo yun habang ngsesex kayo?

S.
inabutan ko ng payslip.

T. sa mga anung uri ng tao ba sa internet ka pwedeng makipag eyeball??

S. sa mga taong gusto ako at gusto ko rin. simple lang ‘yan e, kung ayaw mo sa akin at gusto mo lang akong makita para hanapan ng mali ang pagkatao ko, ‘wag na tayo parehong magsayang ng oras at pamasahe. bigyan mo ko ng listahan ng mga kapintasan ng isang tao at tsecheckan ko na lang kung ano dun ‘yung mga kahinaan ko.

T. wala ka ba planong bigyan ng kapatid si polin?

S. sa’yo? wala.

T. bakit isa pa lang ang anak mo? 0_o

S. dahil isa lang ang kaya ko.

T. may takot ka rin ba kung halimbawa mang kagaya kitang may ginagawang di kaibig-ibig sa mata ng panginoon naten? wala pa ring iba kundi ang walang katapusang pangangalunya?

S. mas natakot ako sa kaguluhan ng tanong mo.

T.
bakit ang cool mo?

S. dahil hindi mo pa ako masyadong kilala.

T.
kung may 19 years old na gustong makipagrelasyon sayo papayag ka ba?

S. wala akong lakas para tumanggi.

T.
anong sukat ng waistline mo?

S. ‘yung totoo hindi ko alam, basta pag bumibili ako ng pantalon sinusukat ko lang sa leeg ko.

T. paano po ba buksan o silipin ang blocked sites d2 sa company nmen?

S. gamit ka ng proxy

T. tama ung may expiraton ang riage
T. marami din girl nagloko katuld namin nasa labas kami natatarbaho.mo file mi anulment niloko me sa atorney malaking pa hiningi.manloloko ngaun mga girl.
T. sana matuloy un batas na yan dapat bigyan ng fredom ang tao.kagaya akin nagtrabaho ako sa labas niloloko nya ako ngaun gusto ko hiwalayan abogdo hungi ng malaking pera hanggang ngaun wala pa rin resulta.sana bigyan ng fredom.gusto ko hiwalayan ng legal.na
T. akit matagal an resulta ng anulment.bakit naman nga atorney puro pera ang mukha saan naman ang batas.nag aral sila para yumaman.dapat sana magbago kayo.para may katahimikan ang bansa
T. dapat wala ng kasal para hindi dumami populatin.sa hirap ng buhay.controlin ng isang girl sarili nya.pag kasal walang limt ang anak sa gusto lang

S. wow! nakakabilib … kung papano mo napagkasya sa formspring box ko ‘yan at kung papano ka nagkaron ng oras na itype ‘yang napakahabang walang katuturan na ‘yan.

T.
malaki ba ang burat mo

S.
oo, sa dwende.

T. favorite position?

S. IT staff

T. hindi tanong gusto ko lang sbihin na fan moko hope to see u someday jon. tc

S.

T.
pahingi naman ng advice pra mkapag pa OO ng babae ok sna kung blog mna lang

S.

salamat all.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “tanong sagot 4”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s