fuuuuu!

nangyari ito nung nakaraang gabi, ang totoo n’yan sa bahay pa lang naramdaman ko na s’ya. sa b’yahe pa lang kinukulit n’ya na ako. nawala ilang hakbang pagpasok ko ng opisina at bumalik ng buong pwersa pagkalipas ng ilang oras. eto ‘yung uri ng ganun na nakaka pilay, ‘yung tuwing humihinga ka o lumulunok ng laway pakiramdam mo nakakadagdag sa bigat na nararamdaman mo. patakbo akong naglakad papunta sa pinakamalinis na cr na pinakamalapit sa departamento namin. napeke na ako ng pwestuhang ito dati, hindi na ako papabiktima ng ganun ganun lang. sinubukan ko muna kung gagana ‘yung flush.. umapaw, kabiguan. sapalaran na ‘to, inisip kong mag cr sa bawal. sa cr ng mga guests, bawal na bawal daw ‘yun sabi sa akin nung bago pa lang ako dito. masusi kong pinag aralan ang bawat hakbang, may guard na nakatambay sa taas at abot tanaw n’ya kung papasok ako sa cr… pero p’wede akong maglakad pakaliwa kunyari at iisipin n’yang pabalik na ako sa opisina dahil mahaharangan ako nung pader, pwede. pagpasok ko.. may tiga housekeeping na naglilinis sa loob. hindi ko kayang makapag cr ng may nararamdaman akong ibang taong humihinga sa loob ng banyo. nagpanggap na lang akong tinitignan sa salamin ang kilay ko, sabay takbo palabas ng banyong ‘yun.
wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang cr na madumi dun sa may locker room.  kumbaga mga preso ang mga natatae sa kumpanyang ‘to, iyon ang bartolina. mainit, madumi, mapanghi, … at hanggang dibdib lang ang pinto.
masasabi kong nag enjoy ako sa ilang minutong pananatili ko sa loob ng napakalaking banyo na ‘yun. parang sa pakikipag relasyon din, ibinigay ko lahat at ibinigay ko ng todo. ibinuhos ko lahat at ibinuhos ko ng buong pag mamahal, walang pakialam at walang iniisip. dahil akala ko kaming dalawa lang sa loob ng relasyon na ‘yun. pero may iba pa, nagulat na lang ako ng biglang may umubo sa tabi ko sa kabila sabay bulong at tanong kung nasa akin daw ba ‘yung tabo..
‘yung inaakala kong isang malinis na krimen, meron pa lang saksi. lumipas ang isang oras, payapa na ang lahat wala na sa isip ko ‘yung nangyaring ilang minutong krimen na ‘yun. may tawag ako sa taas magpapatulong daw dahil ayaw gumana nung isang program. akyat agad ako, pagdating ko dun habang kinakalikot ko ‘yung pc at kinakausap ‘yung babaeng nasa front office nahagip ng gilid ng mata ko ‘yung matandang tiga housekeeping na nanghiram ng tabo sa akin.. tumalikod agad ako, alam kong namumukhaan n’ya ako dahil malayo pa lang nakangiti na s’ya sa akin. habang nakatalikod, naririnig ko ‘yung mga hakbang n’ya papalapit sa akin at nakikita ng mata ko ang anino n’ya sa likod ko na papalaki ng papalaki.. nagkamustahan sila, ‘yung matandang nanghiram ng tabo at ‘yung babae sa front office. halos hindi ako tinitignan nung matanda maliban sa nginitian n’ya ako nung minsang nagtama ang mga mata namin. nahiya pa ako sa sarili ko dahil hinusgahan ko s’ya kanina na magbubuking ng lihim ko.
nung patapos na silang magusap, inakbayan ako nung matanda, tinapik tapik ang balikat ko sabay harap dun sa babae..
ok ‘to si jon, kaklase ko kanina ‘to e… noisy!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “fuuuuu!”

  1. mas nakakahiya yan kung cute yung babaeng nasa front office. susko, parang kung ako yan, wala na kong mukhang ihaharap dun sa taga-housekeeping na yun.

    lapitin ka talaga ng mga insidenteng ganyan basta tungkol sa pagtatae mo no? tsk tsk.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s