tanong sagot 1

mga tanong at sagot na posibleng lumutas sa ilang misteryo mundo
jncbrn.com/problema

T: magbigay ka nga ng patunay na meron ngang diyos ? at hindi yung patunay na base lang sa self expirience mo. kalimitan kasi ganun ang naririnig ko. yung patunay na kapapaniwalaan ng lahat. yun di ko pwedeng lapatan ng butas.

S:
sabi ni hesus, mapalad ang naniniwala sapagkat may nakikita, subalit higit na mapalad ang naniniwala kahit walang nakikita.
sa totoo lang kalokohang sagutin ang tanong mo dahil alam kong nakahanda kang hanapan ng butas ang kahit na anong isasagot ko, tipikal na tao.
inimbento ng mga matatanda ang mga kwento tungkol sa mga aswang at multo para pagsapit ng gabi matatakot na ang mga batang lumabas at magpakalat kalat sa daan. ginawa ni rizal ang aklat n’ya para mabuksan ang mata ng mga kababayan n’ya laban sa hindi magandang trato ng mga kastila sa mga pilipino at ginawa ang kwento tungkol sa diyos para naman matakot ang mga taong gumawa ng kasamaan kapalit ng pangakong kaligtasan. madaling sabihin na gawa gawa lang nga pero mas mabuting mamatay na naniniwala at sa huli mapatunayan  na umasa lang pala sa wala, kesa mamatay ng walang pinaniniwalaan at gulatin ng katotohanan sa huli sa mismong harapan n’ya.
kapatid, matakot ka hindi sa presensya ng apoy kundi sa init nito.
also, walang salitang “expirience”. tnxbye.

T: haiz bakit di napasama dito ang recent kong tanong…ulitin ko na lang…jon? may ideya kaba kung kelan magsasawa ang mga lalaking malalandi gaya ko sa pakikipaglandian?

S: kasalanan ng formspring, naniniwala ako na ang lalakeng may hinahanap merong hindi nakikita. kuha mo?

T: gusto kong malaman mo na hanga ako sa banner mo

S: patukas sa utak? ako din. ang design? gino pulgar, magaling na tao.

T: anong gusto mong makamit sa buhay?

S: wala, lahat ng plano ko sa buhay puro pang isang lingguhan lang halimbawa saan kaya ako gigimik next week o ano kaya ang irerequest kong ulam sa nanay ko bukas o sa makalawa, mga ganun. sanay na akong sinusurpresa ng pagkakataon kaya kalokohan na para sa akin ‘yung mangarap o magkaron ng mithiin.

T: anong pangarap mo ?

S: wala.

T: how old are you?

S:
ang hirap na tanong, wala bang clue?

T: ano ang meron sa dubai na wala sa pilipinas?

S:
pag ibig. ok, ako lang ang nagtanong n’yan nagpapakilig lang ako. ‘wag n’yo kong husgahan.

salamat sa lahat ng mga tanong.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “tanong sagot 1”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s