internet at blog

ilang araw na akong walang magamit na computer dito sa opisina at ilang araw na rin akong bagsak paguwi ng bahay dahil sa pinaghalu halong epekto ng pagod, antok, at trapik. napapansin na ng ilang kasamahan ko sa trabaho at sa bahay ang pagiging aburido ko. kagabi nakakatihan kong iupdate ang version ng wordpress ko hindi ko alam kung anong meron dun sa bago basta gusto ko lang maging updated ‘yung sa akin. hindi ko alam kung may mali akong ginawa o may mali sa nadownload kong installer pero halos thirty minutes yatang naka down ang blog ko. may bente minuto na yata akong nakatunganga sa harap ng monitor bago ako nahimasmasan. bigla ang pasok sa akin ng realisasyon.
tignan mo, ako ang taong hindi nagbabasketbol at hindi ako mahilig tumambay sa kalsada. wala akong alam tugtugin na instrumento at hindi ako mahilig mag mall, hindi ako mahilig magswimming at wala akong alagang aso o kahit na anong hayop. wala akong kaibigan sa paligid ko na isang text lang andyan agad para makakwentuhan ko at wala ako kahit katext man lang dito sa pinagtatrabahuhanko, hindi ako mahilig magswimming, at wala akong interes umakyat ng bundok. hindi ako mahilig manood ng sine atย  hindi ako marunong magdrive ng kotse o kahit pa mutor, at wala akong tamia.
sa madaling salita, maliban sa internet at pagbablog inuman lang talaga ang buhay ko. kung matagal ka ng nagbabasa dito sa blog ko, siguro pamilyar na sa’yo ang mga sandamukal na kwento ng kapalpakan ko tuwing nakakainom ako. at siguro hindi na iba sa’yo ang impormasyon kung gaano kadalas nangyayari ‘yung mga sitwasyon na ganun. naiimagine mo ba na papano pa kaya pag tinanggal mo ang internet at pagbablog sa akin at walang ibang magiging sentro ang buhay ko kundi pagiinom na lang talaga? seryoso, hindi ako tatagal ng dalawang buwan matutunaw ang bituka ko. ang matindi pa dun hindi ako nakakasiguro kung ano ang mauuna sa dalawa, kung mamamatay ako sa sakit ng bituka o sa tama ng baril ng pulis at bugbog ng taong bayan. seryoso, magwawala ako at maitatala sa kasaysayan ng pilipinas ang isa sa pinaka brutal na krimen na mangyayari sa loob ng isang hotel hanggang sa muntinlupa. manghahabol ako ng kahit na anong matigas na bagay na mahahawakan ko, mananakal ako ng mga sanggol at sisipain ko sa bewang ang mga nakatalikod na matatanda. ganun ko papalipasin ang bawat maghapon ko na wala akong internet at hindi ako makapag blog.
seryoso, sa tagal mong nagbabasa dito sa blog ko hindi mo naman naiisip na sa oras na mawalan ako ng access sa internet malilinya na lang ako sa pagpipinta at paggawa ng mga origami ‘di ba? maniwala ka sa akin magigi akong sobrang kaawa awa pag dumating ang araw na ‘yun. pagkakatapos kong pumatay at manunog ng mga bahayan uuwi na ako sa bahay at uupo na lang sa ilalim ng mesa ko habang nakapatay ang ilaw. ganun magiging kamiserable ang buhay ko. maniwala ka, alam ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “internet at blog”

  1. napaka violent mo naman serrrr!
    mananakal ng sanggol at maninipa ng mga nakatalikod na matanda?
    nasan ang diwa naman ng pasko sa mga pagkakataong to?๐Ÿ™„

    seriously, maayos din yan. ahhhmm,maniwala ka, alam ko din..๐Ÿ™‚

  2. happy new year jon! sorry ngayon lang ulet nakabisita.

    di kita ma-imagine hindi nagb-blog. andami ko pala babalikan na posts mo. by the way, talagang nagsusumigaw na floral at pink ang background at header mo no?

    have a safe new year’s eve celebration later.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s