2k9

kung hindi ako nagkakamali taong 2003 nung nagsimula kong matuklasan na posible pa lang magkaron ng sariling pwesto sa internet na pwede mong pagsulatan ng kung anu ano, nagsimula ang lahat ng may nahiram akong libro ng HTML sa isang pinsan. simpleng simple ‘yung unang page na nagawa ko at makikita dun ang lahat ng common mistakes ng isang noob. tadtad ng gif na naggagalawan, tugtog na basta na lang tumutunog, mga nakasulat na ako lang ang magkakaron ng interes, magugulong kulay ng mukha, at mga hindi magkasundong kulay ng mga letra. hindi ko alam na blog pala ang tawag dun, basta nagkataon lang na wala akong mailagay sa ginawa ko kaya naisipan kong magkwento. 2004 naman nung narealized ko na bukod sa pwede kang magsulat sa net posible ka ring magkaron ng mambabasa. iyon din ‘yung panahon na natuklasan ko na hindi lang puro porn ang internet, pwede ka rin magbasa dito. asensado na ako nun, microsoft frontpage na ‘yung gamit ko.
blog-v1
pero baduy pa din. may patuka na ako sa utak pero    puro pulot lang.. at may tugtog pa rin na basta na lang tumutunog. mas maayos na akong magkwento nun kahit papano, katulad ng pag sinabi kong nag inom ako kasama si dencio, obligado na akong ipakilala kung sino ba si dencio dahil kumbaga may kakuwentuhan na kase ako.
blog_
tumagal din siguro ng isang taon ‘yun bago kusang namatay. hindi ko alam kung ano ang nauna, kung naubusan na ba ako ng kwento o ng kakuwentuhan. napunta ako sa ibang mundo ng internet. magulo, malalim, at masaya. hanggang sa nagsawa rin ako sa hatid na saya ng kaguluhang ‘yun. matagal din akong naging palaboy sa internet. hanggang sa sinumpong ulit ako ng kati ng pagsusulat. iyon ‘yung uri ng kati na pag hindi mo kinamot hindi s’ya titigil ng pangangati pero pag kinamot mo lalo naman s’yang mangangati. captured
ayoko ng magkwento pero gusto kong magsulat. ang unang intensyon ko sa blog na ‘to ay mambuwisit ng mga tao. makikita mo ‘yun sa mga unang atake ko sa mga entry ko. tao sa chatrooms at mga inosenteng taong natutulog sa pampublikong sasakyan. aaminin kong maski ako nagulat sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa pantal na nilikha ng pangungunsinti ko sa pangangati ng utak ko. kasabay ng pagdami ng kakuwentuhan ko ang pagkalat ng pantal, hindi lang sa katawan ko kundi sa katawan ng iba. dumami ang kaibigan at dumami ang kaaway. wala pa akong naaalalang umaway sa akin na naging kaibigan ko pagdating ng huli, simple lang kase kung gusto mo ‘ko d’yan ka, kung ayaw mo sa akin manahimik ka. ayaw mo sa akin hindi kita kilala wala tayong dapat pagtalunan. may mga kaibigang nawala at may mga kaibigang nagwala, patuka sa utak : kung gagawa ka ng pader sa pagitan n’yo ng kaibigan mo ‘wag mong masyadong taasan, baka dumating ang araw na kailanganin mo ‘yung laktawan ikaw mismo ang mahihirapan.
bagong layout, bagong taon at inaasahan kong marami pang pagbabagong magaganap. katulad ng dati, bukas kamay sa mga positibo at buo ang dibdib sa mga negatibong pagbabago. ganyan lang ang buhay, walang katapusang laro ng boksing. walang humpay na suntukan at ilagan. talo ang tatakbo papalayo at panalo ang magtataas ng kamay. sa bandang huli, pareho lang kayong duguan at sugatan.. mas malaki nga lang ang premyo ng nagtaas ng kamay.
maraming salamat kay gino sa napakagandang mukha ng blog ko at sa napakasaktong pagkakataon dahil nitong mga nakaraang araw lang tinatamad na akong magkamot ng pantal, binigyan n’ya ako ng bagong mukha na muling patutubuan ng tigyawat.
isa ang taong ‘to sa bibihirang talagang nakakakilala sa dalawang mukha ni jon cabron. kaklase ko ‘to nung high school. kung alam ko lang na magiging ganyan kagaling ‘to sana binoyfriend ko ‘to nung mga estudyante pa lang kami. napakalinis ng pagkakagawa at napaka kunsintidor sa mga hiniling ko. hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang hindi bayuhin ang dibdib ko sabay turo sa avatar mo sa monitor ko pag pinagmamasdan ko ‘yung blog ko.
maraming salamat, hindi ko na kayang banggitin ang pangalan mo ng hindi ko sasamahan ng salitang salamat.

.. at ikaw gusto mo rin ng bagong mukha? sabihan mo ko, papakilala kita.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

22 thoughts on “2k9”

  1. nice layout!😉 pa experience mag comment with the bagong new layout..
    have a prosperous new year jon cabronie!
    keep the thoughts comin’

    “kung gagawa ka ng pader sa pagitan n’yo ng kaibigan mo ‘wag mong masyadong taasan, baka dumating ang araw na kailanganin mo ‘yung laktawan ikaw mismo ang mahihirapan.” – i likeey

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s