kung susuwertihin ka nga naman oh

unang araw ng pasok pagkatapos ng pasko at isang rest day. eto ‘yung pagbangon mula sa kama na kukulangin ang isandaang porsiyento ng lakas mo para magtagumpay. halos literal kong kinaladkad ang sarili ko papuntang banyo para maligo at hinila ang katawang lupa ko para magbihis at mag ayos.
namalayan ko na lang na nasa jeep na ako pabyaheng alabang. mabuti na lang walang trapik, kung susuwertihin ka nga naman. pagdating sa sakayan ng bus takbo agad ako sa pinaka obyus na paalis na, medyo puno na ‘yung bus pero ayokong sumugal na magbabad pa sa terminal. uwian ng mga probinsyanong nagtatrabaho sa pabrika ngayong araw na ‘to trapik malamang sa expressway.
naramdaman ko na lang na may mga matang nakatitig sa akin mula sa unahan ko at pagangat ng tingin ko nakakonekta ang tingin na ‘yun mula sa mata ng pinsan ng pinsan ko sa kabilang partido. otomatik ang palitan namin ng ngiti pagtama ng mga mata namin. sa kanya, ‘yung ngiting napahiya sa pagkakahuli ko na nakatingin s’ya sa akin at ‘yung akin, sa pagkabigla at konting malisya. ang naisip ko agad nun, kung susuwertihin ka nga naman oh. ang totoo n’yan hindi ko naman s’ya kabatian talaga, sa mga iilang pagkakataon na magkakasalubong kami sa daan sa may amin pag bumibisita s’ya dun sa pinsan ko, wala kahit isang beses na natatandaan ko na nagpalitan kami ng kahit man lang pag angat ng kilay. ok, nagtangka ako dati mga isa o limang beses pero nabigo akong makatanggap ng ganti mula sa kanya.
puno ang bus, walang pagkakataon na mayakag ko s’yang tumabi sa akin o ako ang kusang lumipat sa kinauupuan n’ya. ansarap sana kung sinuwerte lang sana ako at medyo napaaga ang sakay ko sa bus na ‘yun, ‘yung kung hindi pa sana masyadong puno at marami pang pandalawahang bakante.
kung nagkataon, hindi ko s’ya kukuwentuhan masyado para antukin s’ya sa byahe at iaalok ko ang balikat ko sa kanya. hindi ka kumportable sa pwesto? hayaan mong yakapin kita habang nakaunan ka sa balikat ko. nakakangawit? akina ang kamay mo hahawakan ko. iaalok ko din sa kanya ang kabilang earfone ng mp3 player ko para lalong magdikit ang mga ulo namin, pasensya na lang kung eminem ang napili kong tugtog sa araw na ‘to. naiisip ko na sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa nakahanda ang ilong ko para tanggapin ang bawat paghikab n’ya.. siguro amoy dalanghita ang hininga n’ya.
pagkalagpas ng skyway, kung susuwertihin ka nga naman bumaba ang katabi n’ya. hindi ako nagaksaya ng pagkakataon kailangan ng ilong ko ang amoy ng dalanghita. lumipat ako sa tabi n’ya at mukha namang hindi s’ya nagulat. nagpalitan ulit kami ng ngiti, patawarin n’yo ako sa kapanisan ng diskarte ko pero ang unang salitang sinabi ko sa kanya.. “buti pala pag sa labas hindi ka suplada hindi katulad pag nasa atin ka” ngumiti lang s’ya, parang nahihiyang ngiti. sa isip ko, ok na! madalas ang pag ngiti ng isang babae ay hudyat na gusto kita at nakahanda akong tanggapin ang lahat lahat sa’yo. ang problema ko na lang kung papano ko sisimulan ang pag aalok ng balikat ko sa kanya o ang tugtog ni eminem.
malapit na akong bumaba at wala pa akong nagagawang aksyon kundi ang pa obyus na pagtitig sa kanya tapos paobyus na iiba ng tingin pag nailang na s’ya at sinalubong ang tingin ko. lahat ng ‘yan habang hawak ko ang dibdib ko kunyari. sa isip ko, kinulang lang ng oras pero ang mahalaga dun nasisiguro ko na sa susunod na magkakasalubong kami sa daan sa may amin, magiging natural na sa amin ang palitan ng ngiti at baka kung sususwetihin pa may konting kamustahan pa.
nagpaalam na ako sa kanya dahil bababa na ako sa susunod na stoplight, sabi ko mag ingat s’ya. ngumiti lang s’ya. at ang obligasyong tanong.. “san ka nga pala pupunta?”
na sinagot n’ya ng “sa mga tita ko po, mamamasko po”
ngumiti lang s’ya nung bumaba ako at hinatid ko pa ng tingin ang bus na sinasakyan n’ya habang papalayo. wala naman palang trapik, kung susuwertihin ka nga naman oh.


tanong/sagot

ilan na namang mga interesanteng tanong na mag aangat sa pagkakalubog ng bansang pilipinas at magpapahigpit sa kapit sa kristyanismo ng mga kaluluwang nakakalimot.

1. elang bisis ka omootot?
kasing dami ng mga sakit na dadapo sa’yo at unti unting papatay sa’yo dahil hindi kailangan ng mundo ang kakornihang katulad mo.

2. bakit napupuno ka ng kalandian sa katawan?at bakit kung sino-sino kinakalantari mo?
kelan mo ako nakitang huling lumandi? tama, hindi mo na maalala dahil napakatagal na.

3. ayus napaskil na yung una kong tanong…okay, so kamusta na kayo ni mrs. cabron (asawa mo)
salamat, gusto kong sabihin na ok kami pero hindi ko alam kung ano ang kahulugan mo ng ok, pwede kong sabihin na hindi kami ok pero baka magkaiba ang hindi ok sa akin at sa’yo. oh salamat sa pagkaklaro mo na (asawa ko) ‘yung tinutukoy mo na para bang may posibilidad na makalimutan ko ‘yun.

4. sa iyong opinyon, bakit tayo nabubuhay?
depende sa kung papano mo pinapalakad ang buhay mo. lahat tayo blanko pa habang nasa sinapupunan tayo, walang misyon walang dahilan. tayo ang hari ng sarili natin, nasa atin ang lahat ng desisyon kung anong gagawin natin sa buhay natin. gagawin ba natin na pabigat tayo sa iba o gagawin nating magaan ang buhay nila. magpapakasaya ba tayo sa mundo o hahayaan natin na balutin tayo ng lungkot? para sa akin ang simpeng sagot sa tanong na bakit tayo nabubuhay, depende kung papano tayo nabubuhay.

5. Bket po kailangan mag abroad????????????
para mabuhay at mabuhay ng masaya.

6. Kung me tatanong ka sa sarili mo ano ito?
wala.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “kung susuwertihin ka nga naman oh”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s