mga aral sa kalsada at mga sagot sa tanong

pag wala ka naman intensyon na sumakay sa jeep ‘wag kang umastang papara ka.
– ganyan din sa pakikipag relasyon. ‘wag kang makipag landian kung hindi mo naman kayang pangatawanan.

pag nagaaral ka pa lang mag drive, maaaring sa tingin mo alam mo na lahat ng bagay katulad ng saktong timpla at tamang diin kaya lumakas ang loob mo na hayaan ang sarili mo na mag isang bumiyahe sa kalsada at sumagupa sa mga naglalakihan at nagbibilisang sasakyan.
– iyan ang isa sa pinaka karaniwang sakit ng “baguhan” pag baguhan ka ‘wag kang masyadong bilib sa sarili mo at dapat umasta ka ng nararapat at naayon sa ekperiyensa mo ‘wag kang makipag karerahan sa beterano sa daan dahil sa gilid ng kalsada ka pupulutin, bitch!

pag kinawayan mo ang jeep dahil sasakay ka na at bigla iyong umandar bago mo pa maihakbang papasok ang mga paa mo sa kanya ‘wag ka ng tumuloy ng sakay kahit balikan ka n’ya, napahiya ka na nung una gaano ka nakakasiguro na hindi n’ya ulit gagawin ‘yun pagpababa ka na?
– alay sa mga babaeng minartir ng pagmamahal.

pag may nakaupo na sa unahan katabi ng driver at nakita mong marami namang bakante sa likuran, ‘wag ka ng tumabi sa kanya.. oo nga’t pandalawahan naman ‘yung upuan na ‘yun pero dapat mo rin isa alang alang na pareho lang kayong mahihirapan sa sikip nung pwesto at maiinitan sa lugar na ‘yun at ang masama baka naman hindi s’ya handang sapitin ‘yung kalbaryong ‘yun ng katabi ka at baka masisi ka pa na nananahimik s’yang nakaupo dun umentra ka pa.
– sa pagpasok sa isang relasyon.

tanong / sagot

1. What’s the weirdest thing you’ve ever eaten?
your mom.

2.  anu tawag sa suot ni hi-c?
wala akong pakialam.

3. anong gusto mong matanggap na regalo ngayon pasko?
lumaki akong walang ninong at ninang kaya hindi ako lumaking umaasa sa regalo tuwing pasko.

4. tuloy kapaba sa pagpunta sa dubai?
inshallah!

5. mahal na mahal mo ba ko?
depende kung gaano mo ako kamahal.

6. wow may ganito na pala dito. makapagtanong nga. pede magtanong dito sir?
you are an idiot.

7. Merry Christmas?
december 25.

8. pwede ka bang mahalin?
hindi ako madaling mahalin, maawa ka sa sarili mo.

9. kumakain ka ba ng ampalaya?😀
gusto mo ba?

10.
ang pangit
your face? yes.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “mga aral sa kalsada at mga sagot sa tanong”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s