jeep

isipin mo ang sarili mo bilang isang pasahero ng jeep. apat kayong sakay ng kakarag karag na sasakyan na ‘yun. kanya kanyang estado sa buhay at kanya kanyang prinsipyong pinanghahawakan. sa bandang dulo ka nakaupo at katabi mo ang isang babaeng mukhang may kaya sa buhay dahil sa ganda ng suot n’ya at ganda ng kulay ng pintura sa mga kuko, sa harap mo ang isang estudyante na katabi ang isang mamang pangkaraniwang empleyado ng isang pabrika, isang bigay na impormasyon galing sa suot n’yang damit. halos wala kayong pagkakaparehong apat maliban sa dalawang bagay, pare pareho kayong naiinis sa drayber na gahamang tinitigilan ang lahat ng tao sa kalsada para aluking sumakay sa sasakyan n’ya at pareho parehong hawak ng drayber ang oras at buhay n’yo. habang hayagan ang pagpapakita ng inis ng mama na katabi ng estudyante sa harapan mo sa pamamagitan ng pagpalatak n’ya at simpleng dabog ng paa kabaliktaran naman nun ang babae sa tabi mo, dinadaan n’ya lang sa irap at taas ng kilay ang lahat. tahimik lang ang estudyante habang abalang nagbabasa ng libro n’ya at maya’t mayang pinupunasan ang sunod sunod na pawis na namumuo sa noo n’ya. inuuna ng drayber na abutin ang quota n’ya kesa habulin ang oras n’yo. ipinagkatiwala mo sa kanya ang buhay mo nung sinenyasan mo s’yang isakay ka. s’ya ang may hawak ng manibela at kontrolado n’ya ang lahat. nagsisisi ka ngayon na sumakay ka sa jeep na minamaneho ng drayber na mas trabaho ang tingin sa propesyon n’ya kesa serbisyo. pero sa isip mo wala ka ng magagawa, bayad ka na kase.
namumula na sa galit ang mama, nagulat ang estudyante sa malakas na pagmumura ng katabi n’ya, itinigil ang pagbabasa at itinago ang libro dahil naisip n’ya na obligado na rin s’yang magmura, nakisigaw na rin s’ya. nilingon lang kayo ng drayber isa isa sabay hingi ng paumanhin. sinisi ng drayber ang kalumaan ng jeep kung bakit hindi s’ya makapag matulin, sinisi n’ya ang hirap ng buhay kung bakit kinakailangan n’yang maghapit. pare pareho naman daw kayong nahihirapan sabi n’ya. nakataas pa rin ang kilay ng babaeng mukhang mayaman sa tabi mo.
marami ng sumakay at bumaba pero naiwan pa rin kayong apat. ganun pa rin kagahaman ang drayber, nakataas pa rin ang kilay ng babae sa tabi mo, galit pa rin ang mama sa tabi ng estudyanteng hindi na binalikan ang librong inaaral kanina tutal hindi na rin naman daw s’ya aabot sa exam nila mamaya. habang bumabagal ang pagpapatakbo ng drayber para mangalap ng pasahero, mas lalong bumibilis ang oras at lumalaki ang perwisyong nililikha nun sa inyong apat.
hindi na nakatiis ang estudyante na nakakita ng opurtunidad na lumipat sa kasunod na sasakyan, hindi man daw aabot ‘yun sa eksaktong pinapasukan n’ya pero ayos lang, lalakarin n’ya na lang daw ‘yung sobra. bago bumaba, sinubukan n’yang bawiin ang kalahati ng ibinayad n’ya sa drayber pero tumanggi ito. nabangga ang estudyante ng sasakyang paglilipatan n’ya sana dahil sa hindi maayos na pinagbabaan sa kanya ng jeep na pinanggalingan n’ya. nagalit ang mamang kasakay mo, nagmura at nagsisigaw. narindi ang babae sa tabi mo sa lakas ng boses nung mama kaya nagtakip s’ya ng tenga. tinitignan lang kayo nung drayber sa salamin n’ya.
naunang bumaba ang babaeng mukhang mayaman kasunod ang lalakeng nagmumura pa rin at ikaw. ilang sandali pa, nagbibilang na ng kinita ang drayber. naihiwalay n’ya na ang pang inom at ang para sa pamilya n’ya. nawala na sa isip n’ya kung ilang beses nagpakawala ng mura ‘yung lalakeng pasahero n’ya kanina, ‘yung mayamang babae na walang pakialam maliban sa pagtaas ng kilay, ‘yung itsura nung estudyanteng nakahandusay sa kalsada.. at ‘yung isang pasahero na patingin tingin lang sa lahat ng nangyari.

.. pamilyar na senaryo.

ang kakarag karag na jeep ay sumisimbulo sa pilipinas at ang pangulo ang may hawak ng manibela. mabagal makakarating ang mga pasahero sa pupuntahan nila dahil inuuna ng drayber ang kapakanan n’ya kesa pangangailangan ng mga nakasakay sa kanya. mareklamo ang mama pero bukod sa sumigaw at magmura hanggang ganun lang ang kaya n’yang gawin, kinalimutan ng estudyante ang pag aaral para sumama sa pagaaklas sa bandang huli napilitan din s’yang pumunta sa ibang bansa, sa kasamaang palad napahamak. sa lahat ng pangyayaring ‘yan tinaasan lang tayo ng kilay ng ilang taong mas may kapangyarihan sanang baguhin ang lahat…
at nakuntento na tayong basta na lang nakatunganga sa nangyayari sa loob ng jeep.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “jeep”

  1. nice story…
    simple pero sa totoo lng ito tlga ang scenario sa jeep..
    ma late na ang pasahero sa trabaho/eskwela pero sympre nagtratrabaho din si kuya drayber kaya ganun sa ka hapit sa kita…

    hindi ko lng tlga maintidihan eh yung kahit nakatayo atang ipis eh tinigilan ng drayber kahit na hindi naman sila pinara…

    sad but true

  2. naiintindihan ko ang dalawang magkabilang panig. ako eh pasahero din, at ang tatay ko dati ay isang jeepney driver, pero nasa diskarte pa rin yun ng mamang driver. kung alam nya naman na rush hour o madalang na oras ang byahe nya, dapat sya na bahalang dumiskarte kung maggagapang sya para magsakay ng mga tao.

    wala namang nagagawa ang init ng ulo. tulad ng sa kwento mo sir, sinong natalo? eh diba yung babae at yung mamang factory worker? yung mamang drayber, ayun nakangisi at nagbibilang ng perang kinita.

    mas mabuti pang gumawa na din ng paraan kung ikaw yung pasahero, kung paano ka hindi maiinis sa ginagawa ng drayber.๐Ÿ˜€ diskarte lang po๐Ÿ˜€

  3. ” at nakuntento na tayong basta na lang nakatunganga sa nangyayari sa loob ng jeep….”

    Dahil walang sinuman ang napagtagumpayan na sumalungat sa agos…

    Walang Kakayahan?
    Pag-aaksaya lang ng oras?
    Takot?

  4. wag na lang nating antayin na sa mamang drayber na lang nakasalalay ang bagal o bilis ng ating pag usad…

    may choice tayo, may responsibilidad tayo… sa ating sarili at sa ating bayan…

    may iba pa namang taong me kakayanang magmaneho at ihatid ka sa iyong patutunguhan…

    kelangan lang ay isang matinding paninindigan…

    may pag asa pa ang pilipinas… wag tayong sumuko…

  5. naninibago ako. kala ko ba ayaw mong pagusapan ang relihiyon at pulitika. although, the post isn’t really political naman but more of reality.

    but i agree with angelo cabrera, this is something worth printing. not for the fame and accolades it could bring you but more of sharing your thoughts to the youth.

    sad to say, isa ata ako dun sa mga pasaherong walang pakialam kundi tumingin lang. tsk tsk.

    kaya nga ngayong eleksyon, naghahanap ako ng mga posts regarding the candidates. i already have a candidate that i will vote for. way back 1996 when there were rumors that he was going to run for pres, boto na ko sa kanya. sadly, i don’t think he’ll win. pero kung titingnan mo, the turn-around he did with his area was good. disiplinado ang mga tao, walang tamad. maganda sana syang maging presidente, kse kelangan natin ng firm hand, to keep us up.

    i like this post jon.pinapaisip ka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s