sulat

gaya ng karaniwang araw, tulog na ang anak ko pagkauwi ko ng bahay. isang sulat ang dinatnan ko na nakaipit sa keyboard ko. dali dali akong nagbihis at naghilamos para mabasa ‘yung sulat. sabi nga nila kahit anong pagod mo kayang alisin sa isang simpleng sulat lang ng anak mo. ok, hindi ganyan ‘yung eksaktong pagkakasabi nila at imbento ko lang ‘yan.  pagkakita ko pa lang ng sulat, kinilig na agad ako. nawala agad sa loob ko ‘yung mga problema sa opisina at hassle sa buhay. binalikan ko sa alaala kung kelan ako huling nakatanggap ng sulat sa kanya. napakatagal na panahon na. nakalagay sa pagkakatupi ng sulat, daddy may joke ako sa’yo. inilapag ko muna sa mesa ng computer ‘yung baso ng malamig na tubig na iniinom ko dahil sa pangamba na alin man sa dalawa, mahimatay ako sa kilig dahil sinulatan ako ng anak ko o gumulong ako sa kakatawa dahil sa joke na nakapaloob sa sulat na ‘yun. puno ng pagkasabik na binuksan ko ang sulat at inihanda ko ang dibdib ko sa mababasa ko. eto namang anak ko, alam ng masama sa akin ang biglaang matinding emosyon haaay ayoko talaga ng sinusurpresa.. naisip kong unti untiin ang pagbasa nung sulat at ipinuwesto ko pa ang likuran ko sa pader na masasandalan para paghahanda sa hindi inaasahang impact ng patawa n’ya..

daddy,

may tatlong magkakaaway. si somebody, nobody, at crazy. si somebody nagalit kay nobody, tumawag si crazy sa pulis. “help! help! somebody killed nobody” sabi ng pulis “hey are you crazy?” sabi ni crazy “yes, i am crazy”

pauline

.. gusto ko ng ilipat sa public ang anak ko sa susunod na pasukan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “sulat”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s