sya ang gagawa ng paraan

ito ang isa sa pagpapatotoo ng salita na may mga bagay sa katawan natin na kailangang maganap at kahit pa harangan mong mangyari ‘yun, gagawa ng paraan ang sariling katawan mo para mangyari ang dapat mangyari. may siyentipikong paliwanag ‘yan pero s’yempre hindi ko kayang iexplain ‘yan.. blogger lang naman ako, anong alam ko.
parang ‘yung buwanang dalaw ng mga babae, hindi ‘yan basta nangyayari lang ng walang dahilan. kailangan nilang maglabas ng maruruming dugo sa katawan nila kaya nandyan ‘yan. lahat ng bagay may dahilan. at kung wala kang paraan, diyos ang gagawa ng paraan nun para sa iyo.  sa mga ilang malalapit sa akin hindi naitatago sa inyo ang madilim na pinagdadaanan namin ni mrs. cabron. may kung ilang buwan na rin na hindi kami naguusap, at tipong nagkakaron lang kami ng konbersasyon pag may pagtatalunan kami. sa loob ng kung ilang buwan na ‘yun wala akong kapiling kundi ang ever trusted mistress ko, ang first love ko.. si HANDjolina jolie.
pero nagbago ang schedule ko at delikado ako sa late, saktuhan lang ang gising ko para kumain, maligo, at tumakbo papasok ng trabaho. pagod na din pag uwi galing opisina, kahit magonline nga ‘di ko na magawa. sa madaling salita, kahit ‘yung first love ko nawalan na ako ng panahon na katagpuin.
ilang linggo na rin buhat nung huli, at naniniwala ako na may kung anong bahagi na sa loob ng katawan ko ang nagpoprotesta dahil dun. at sabi ko nga pag hindi mo magawa, diyos ang gagawa ng paraan para sa iyo. at alam naman natin kung anong sense of humor meron s’ya.
nangyari ang lahat sa loob ng isang panaginip. basta ang naaalala ko merong isang pusa na nakasuksok sa isang sulok at hinihila ko ang buntot n’ya para lumabas s’ya dun. pinipilit kumapit ng pusa sa pamamagitan ng kuko n’ya papasok sa sulok na ‘yun at puro kalmot na rin ang mga braso ko pero sa panaginip ko napaka determinado kong mailabas s’ya dun. …hanggang sa mailabas ko ang kalahati ng katawan n’ya.
unti unti ng bumabalik ang diwa ko sa totoong mundo, alam kong nasa loob ako ng isang panaginip pero hindi pa rin ako magising. nakakagimbal ang sumunod na pangyayari, nagpoprotesta ako sa isip ko pero patuloy pa rin ang katawan ko sa panaginip sa pakikipaglaro sa karumal dumal na panaginip na ‘yun. at nakumpirma ko na binabangungot ako natiyak ko na ilang sandali lang maaari na akong mamatay. hindi kaya ng utak ng tao ang ganung halu halong pakiramdam. awa habang naririnig mo ang iyak ng pusa, sarap sa ginagawa mo, at gimbal sa kung ano man ‘yung masarap na ginagawa mo. naalala ko ang narinig ko sa kwentuhan dati, pag binabangungot ka daw at hindi ka magising igalaw mo ang hinlalaki sa papa mo. pabilis ng pabilis ang laro sa panaginip ko at nararamdaman ko na malapit na akong makarating. kailangan tapusin ko na ang lahat ng ito, nagfocus ako sa paa ko at buong pwersa kong iginalaw ang hinlalaki sa kanang paa ko… at biglang napatalon ako ng nakahiga sa higaan. balik sa tunay na mundo. kinakapos ako ng hininga pagkagising ko. dahan dahan kong kinapa ang boxer shorts ko para lang mapasigaw sa nadiskubre ko. gaddernit!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “sya ang gagawa ng paraan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s