maniwala ka, alam ko.

naaalala mo ‘yung palagian kong sinasabi dati na “maniwala ka dahil sinabi ko?”
naaalala mo nung sinabi ko dati na walang tao na maglalagay ng tatlo o higit pang tuldok sa hulihan ng pangungusap n’ya kung wala s’yang nakatagong mensahe sa sinasabi n’ya? napatunayan naman natin na totoo ‘yun di ba? maniwala ka dahil sinabi ko.
habang nasa bus ako nung isang gabi, isang bagay ang naisip ko at katulad ng dati siguradong sigurado ako na tama ako dun sa naisip ko na ‘yun. simple lang ang hamon, papatunayan ko sa lahat na hindi nagbibigay ang mga babae ng atensyon sa mga simple at inaakala nilang maliliit na bagay lang.
simple lang ang tanong,
ano ang pangalan ng barko na sinakyan ni simoun sa pagsisimula ng el filibusterismo?
ilalaban ko ng kung ano man na walang babae ang nakakaalam n’yan. ayaw mong maniwala?

1.
b


2.
4

3.
c

4.
d

5.
f

mandaraya, at sinubukan pa ako..

g

at ang pinaka safe na answer sa lahat..

h

.. maniwala ka dahil sinabi ko.
walang babae ang nakakaalam ng sagot sa tanong na ‘yan, kung meron man nandaya.
maniwala ka, alam ko.

update:
oo na, para sa patas at walang kinikilingan na pagba blog.
sa kasamaang palad, may nakasagot

i

at isa lang ang ibig sabihin n’yan.
may TSAMBA din na tinatawag ang ilang babae.
maniwala ka, bakit?  alam mo na kung bakit.

last na UPDATE
alam n’ya raw talaga ‘yan dahil nakikinig daw s’ya nung second year high school s’ya.
ayoko ng maga ano pa pero gusto ko lang klaruhin na ang el fili e pang fourth year at florante at laura sa second year. ayokong sabihin na nandaya s’ya o ano at ayoko din sabihin na naniniwala ako na ampatuan ang may gawa nung masaker sa maguindanao.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

29 thoughts on “maniwala ka, alam ko.”

  1. may putok yung titser namin sa noli at el fili nung highschool kaya hindi ko natandaan yung mga yan.

    mahilig din kasi syang sumayaw ng chacha kapag papasok sya sa room namin kasi after ng class nya eh Values Education namin kung saan nageefort kami sa mga drama drama at kung ano pang pakulo. eh ayun sya di na nagtuturo puro syaw inatupag. patay na si mam ngayon sana nagbaon sya ng tawas sa langit.😐

    1. ako naman nakaka el yung teacher ko sa noli kaya wala akong naintindihan masyado, patapos na ‘yung libro nung may naintindihan ako dahil may nagsubtitute sa kanyang teacher na matanda dahil nabuntis s’ya.. isa sa mga una kong kabiguan sa pag ibig ‘yun… haaays

  2. baket kami 2nd year din ang el fili. freshman ang noli namin e. hindi namin napag-aralan ang florante at laura. (i know, hindi normal ang hs na pinanggalingan ko, hehe)

    pero dahil isa yan sa mga hindi ko gustong subject, at laging dun lang kami sa nabibiling guide booklet nagba-base ng mga sagot ng mga tinatanong ng teacher namin, hindi ko rin alam ang sagot. hahaha.

    aber, sino naman sa mga lalaki ang natanong mo sa survey mo at alam ang sagot? i’m sure wala rin. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s