sink or swim

alam mo ‘yung sitwasyon na para kang nasa kalagitnaan ng isang malalim at malawak na dagat? wala kang mahihingan ng tulong, walang malalapitan at walang makakapitan.
hahayaan mo bang lumubog ang sarili mo at papabayaang unti unti kang lamunin ng lalim ng dagat o susugal ka ba sa paglangoy at magbabakasali na mailigtas mo ang sarili mo kahit sa tingin mo imposibleng laban ‘yun.
isa daw sa pinaka brutal na paraan ng pagkamatay ang pagkalunod, kusang gagalaw ang katawan mo para labanan ang unti unting pagpasok ng tubig sa baga mo hanggang kusa n’ya din isusuko ang sistema mo pag hindi n’ya na nakayanan, pero hanggang dun lang ‘yun dahil mas mauunang magcolapse ang utak mo kesa ang vital organs mo. pag nangyari ‘yun wala ka ng mararamdamang sakit o hirap, payapang kamatayan pa rin kung tutuusin.ย  hindi rin naman sobrang mali ‘yung piliin mong kusang ilubog ang sarili mo kung alam mong wala ng pag asa na naghihintay sa’yo kung lalangoy ka pa, tipong para matapos na lang lahat.
at hindi din naman puro positibo ang pagsubok lumangoy at isugal ang sarili mo dahil papano kung nagsasayang ka lang pala ng oras at lakas
at sa kahuli hulihan dun din pala ang bagsak mo sa gitna ng dagat?
natatakot akong baka masayang lang ang lahat
katulad ng takot ko kung ano ang naghihintay sa akin sa pinakailalim ng dagat,
madalas nililinlang lang tayo ng pagkakataon
ang totoo n’yan madalas wala din naman tayo talagang pagpipilian.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “sink or swim”

  1. nu daw???๐Ÿ˜€
    eka lang, tym pers,

    iba kc yung pagsuko sa isang bagay na alam mong sa umpisa pa lang eh walang kakahinatnan kesa sa pagsuko na dahil lang sa pagod ka na lumaban kahit alam mong may kapupuntahan, napakahirap nga lang.

    ” the serenity to accept the things i cannot change, the courage to do the things i can and the wisdom to know the dif’rence” ….

    P.S.
    tigilan mo na kc yang pambababae mo ng di ka naglalalim laliman jan. isa lng nmn ang gus2 mo talgang malalim eh… cleavage!!! :p๐Ÿ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s