chat tv

sobrang boring ang buhay ko nung mga panahon na ‘yun. iyon ‘yung mga oras na lulong ako sa net pero nawalan ako ng gana sandali. sa paglipat lipat ko ng channel sa tv isang madaling araw ‘yun saglit na inagaw ang atensyon ko ng isang istasyon na may pamilyar na nakarehistro sa screen, chat tv daw ang tawag dun. chatroom sa tv na ginagamitan ng text sa celfone para makapag padala ng message o sa madaling salita, chatroom ng mga walang computer sa bahay o sariling internet.
ang totoo n’yan hindi naman ako nagpa rehistro sa chatroom na ‘yun, kumbaga e lurker lang ako, nanonood ng away ng mga magkaka clan. natatawa sa mga diskarte nila ng pagbato ng pang aasar sa isa’t isa. ganun kase ang karaniwang mababasa mo dun, pagmamayabang ng isa kung ano at saang clan s’ya miyembro, pagpopost ng mga “pekeng” picture para makakuha ng atensyon, at pagpapakalat ng number ng celfone mo sa ere para dumami ang katext mo at masulit mo ang unlitext na dinukot mo sa sukli ng amo mo nung inutusan ka n’yang mamalengke.
napukaw ang atensyon ko ng isang anunsyo dun isang gabi, tiga muntinlupa din daw s’ya at naghahanap ng boyfriend, myca daw ang pangalan at kasunod ng mensaheng ‘yun ang number ng celfone n’ya. may isang oras siguro bago s’ya nakasagot sa text ko, kinailangan ko pa s’yang imiscol ng madami bago n’ya ako napansin. sa madaling salita, nagkakuhanan kami ng loob pagkatapos nun at napagkasunduan namin na magkita pagkatapos ng dalawang buwan.
may kulang isang oras ko yata s’yang hinintay sa isang bilihan ng mga libro sa isang kilalang mall sa alabang, ang huling text n’ya sa akin trapik daw pakihintay lang s’ya saglit at magbebente minuto na buhat nun, nagalala na ako kaya kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ‘yung celfone ko at nagsimulang magtext sa kanya sana ng biglang may tumapik sa likuran ko..

Myca: jon cabron?
Jon Cabron: myca? haha tara na.
Myca: tara.

diretso kami sa isang kilalang kainan sa loob din ng mall na ‘yun tulad ng napagkasunduan namin nung nagtetext pa lang kami. ganun lang naman kasimple ang itenerary na napagkasunduan namin. kakain, manonood ng sine, iikot saglit, kakain ulit pag nagutom, tapos ihahatid ko s’ya sa sakayan. walang malisyang kitaan lang talaga. kung ire rate ko ang itsura n’ya siguro anim sa sampung pinakamataas. p’wede pa sanang maging pito siguro kung hindi n’ya pinagterno ang maroon na pantalon at pink na polo shirt at kung medyo nagtagal pa s’ya ng konti kahit dalawang minuto pa siguro sa pagsesepilyo.
pero nakatakdang maputol ang kasiyahan namin nung gabing ‘yun (o kasiyahan ko lang) hindi na kami umabot sa plano naming manood ng sine, at ni halos hindi n’ya nga natapos ang pagkain n’ya. basta sa kalagitnaan ng kwentuhan nagpaalam s’ya na magsi cr tapos nun pagkalipas ng isang oras at kalahating paghihintay tsaka s’ya sumagot sa text ko na nagtatanong kung anong nangyari sa kanya

“umuwi n me, srry bglaan”

hmmmkei, wala akong nagawa kundi timbangin ang naging takbo ng usapan namin habang kumakain, at siguro nga malaking bagay ‘yun masyado kaya nagtapos ang masaya sana naming lakad. may mga bagay akong natutunan nung gabing ‘yun.

1. sa internet lang nakakatawang paglaruan ang sukat ng ano ko.
2. hindi tama na magbigay ng sobrang impormasyon sa kausap mo tungkol sa kung ano ang itsura ng tae mo na parang duktor ang kausap mo.
3. awkward sagutin ng babaeng bagong kakilala mo pa lang ang tanong na “ikaw, ano ang pinakagrabeng pagtatae na naranasan mo?”
4. sana lumayo na lang ako sa topic na tae.

tinext ko s’ya nung gabing ‘yun nung nasa bahay na ako pero hindi na s’ya sumasagot. lumipas ang isang linggo at may isandaang miscol at isanlibong text bago ako nakatanggap ng reply sa kanya

“ddlhin ksa pgawaan ‘2ng fone kew, txt nlang kta pag kk na. di me mna ggmitin 2ng nmber kew”

sa isip isip ko nun, ok sira naman pala ‘yung fone eh. siguro talaga lang may emergency nung gabing ‘yun tsaka ang totoo e nagustuhan n’ya ako at sa tingin n’ya interesanteng tao naman ako kahit papano. matulin lumipas ang panahon at nainip din ako sa paghihintay ng text buhat sa kanya. sinungaling ako pag sinabi ko na hindi ko sinusubukan pag ringin ang telepono n’ya o magpadala ng mga text tuwing minsan na nalalasing ako. pero hindi ako umaasa ng sagot, sira nga daw kase ‘yung telepono di ba? matulin lumipas ang panahon at nawala na lang s’yang kusa sa isip ko.
kung hindi pa ako naghalungkat sa luma kong hard disk ‘di ko makikita ang backup ng contacts ko sa isang notepad. at hindi ko pa s’ya maaalala ulit. nagpalit nga pala ako ng number, ilang taon na ba buhat nung huli akong nakapag drunk text sa kanya? may tatlong taon na yata. napa angat ang kalahati ng pwet ko sa upuan nung napatunayan ko na nagri ring pa ‘yung telepono n’ya, buhay pa ang linya ibig sabihin. nagtext ako.

“myca, si jon ‘to jon cabron ‘yung sa festival mall.. naaalala mo pa ba ako? kung nagtext ka sa akin o tumawag after nun gusto ko lang sabihin na nagpalit na ako ng number. eto na ‘yung bago ko. paki save naman and sana makapag usap ulit tayo sa text tulad dati. oo nga pala, kelan naayos ‘yung fone mo?”

at gaya ng dati, mahigit isang oras akong naghintay ng sagot mula sa kanya.

“uy kmusta na. srry, dpa gawa fone kew. bye”

.. at pagkatapos nun, wala na.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “chat tv”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s