ginintuang batas

eto ang isang golden rule na dapat pinapatupad kahit saang kumpanya. pag kailangan mo nang tumae at may naabutan kang nagsesepilyo dun, maghunos dili ka muna. maghanap ka ng ibang cr o magpigil ka. seryoso, nakakadiring magsepilyo habang naglalaro ang utak mo kung ano kayang kulay at itsura ng inilalabas nung taong nakita mo sa salamin na dumaan sa likod mo at pumasok sa cubicle na ‘yun. at dahil may kung anong instrumentong nakapasok sa bibig mo sa mga oras na ‘yun kasama na ang bula wala kang pagpipilian kundi sa ilong mo na lang huminga at sa bawa’t higop mo ng hangin hindi maiiwasan na hindi ka makakuha ng clue sa sagot dun sa bagay na naglalaro sa utak mo.  kung ako lang e may ari ng isang kumpanya o kahit nasa HR man lang, ipapatupad ko ‘yan at magaassign ako ng mga tao na mga nakadamit ghostbuster  pero fire extinguisher ang hawak, magkakaron sila ng isang opisina at wala silang gagawin dun kundi maghintay ng tawag mula sa isang biktima na may tumutulo pang bula ng colgate sa bibig habang umiiyak na nagsusumbong tungkol sa sinapit n’ya habang nagsesepilyo, katulad ng isang normal na bumbero magpapadausdos sila paibaba sa isang tubo bago magresponde sa nabanggit na banyo, kumpleto sila ng maingay na fire alarm sisipain nila ‘yung cubicle na kinalulugaran ng salarin tapos bubugahan nila ng dala nilang fire extinguisher ‘yung kulang sa aral na ‘yun. napakagandang senaryo.

.. papano ko naisip ‘yang mga bagay na ‘yan? sabihin na lang natin na may kamukha ako at kapangalan ko rin na pumasok kanina sa kunyaring isang cubicle sa isang kunya kunyarian na CR tapos nabuwisit yata ‘yung nagsesepilyo dahil pinatayan n’ya ‘yung nasa cubicle ng ilaw bago s’ya lumabas. imbis na magalit, naramdaman ko kung saan s’ya nanggagaling.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “ginintuang batas”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s