masiba ka!

halos sabay lang tayo sa kumpanyang ito. hindi ko na alam kung sino sa atin ang nauna ng isang linggo, kung ako ba o ikaw pero sigurado ako na halos iyon lang ang itinagal ng isa bago sumulpot ang isa dito. aaminin kong hindi naging madali para sa atin ang simula. naiilang ako sa’yo, kinikilala mo ako. nalilito akong intindihin ka at naninibago ka sa paraan ko ng pakikipag komunikasyon sa’yo. pero alam nating dalawa na kailangan natin ang isa’t isa. pinilit kong intindihin ka, sinikap mong sumabay sa akin.
masasabi ko na smooth naman kung anong relasyon meron tayo nun. pero isa itong tipikal na kwento na kung saan magulo ang simula na mauuwi sa isang magandang relasyon para lang magtapos sa mas magulong katapusan ng kwento. naging gahaman ka at hindi nakuntento. nawala ang dating pagkukusa sa mga kilos mo, naging mapaghanap ka at ginawa mong napakahirap ng buhay. ilang beses mo na akong sinira sa harap ng boss at mga kaopisina ko at hindi ko na mapapalagpas pa ‘yun lalo na’t alam ko naman na wala akong ginagawang mali para sa ‘yo. ibinigay ko na nga ang lahat. sinusubuan na nga kita kahit hindi naman ‘yun ang tama pero iba pa rin ang gusto mo, at ang gusto mo ang dapat laging nasusunod. nakakapagod ka ng intindihin. wala ka ng alam gawin kundi kumain at magbigay ng problema sa mga taong katulad kong umaasa sa’yo.
paperjam

siguro, pag meron ka ng kapalit tsaka mo lang mararamdaman ang halaga ko sa ‘yo. at hindi man ako ‘yung tipo ng lalaki na inaasahan mo at perpektong binuo ng imahinasyon mo, tsaka mo na malalaman na hindi din naman ako katulad ng iba.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “masiba ka!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s