makinig

kelan nga ba kinakailangan purihin ang tama at kondenahin ang mali. at sino nga ba ang talagang may karapatan magsabi ng kung ano ang tama at mali para sa iyo. maikli na lang ang itatagal ng mundo, baka nga hindi ko pa maabutan ang pagwawakas nito. dalawang bagay ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon, mabuhay at maging masaya. iyon naman talaga ang importante.
bakit ko tatanggalin ang kamay kong kumportableng nakayakap sa taong nagpapasaya sa akin para lang salagin ang mga daliring mapanghusga ng mga taong mga wala naman talagang kinalaman sa akin? kelan pa naging kasalanan na tumayo at lisanin ang luma para magsimula ng bago at baliin ang alam mo naman na maling paniniwala? kung mga tulad n’yong tao ang nabubuhay nung dating panahon, hanggang ngayon siguro naniniwala pa rin tayo na parisukat ang mundo at matatakot pa rin tayong maglakbay sa karagatan sa takot na marating natin ang dulo ng kwadradong mundo at mahulog dun.  kung alam mo ng dehado ka na, kung ramdam mo ng hindi ka na masaya pero ayaw mo naman tanggapin ang pagbabago, ang ibig sabihin lang nun kuntento ka na na ginaganun ka, mareklamo ka lang.
siguro magkakaron lang ako ng pakialam sa mga nanghuhusga sa akin kung ‘yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon narating na nila tapos masasabi nilang binitawan nila ‘yung pakiramdam na ‘yun dahil hindi nila nagustuhan, baka sakali pa. pero kung hindi naman pamilyar sa inyo ‘yung nararamdaman ko at alam naman natin na malamang sa hindi e oo kaya ka nga nakikialam ka sa buhay ng iba.. ‘wag mo ng sayangin ang ilang mahalagang minuto ng buhay mo sa akin.

dalawa lang naman meron sa buhay ng tao e, tama at mali.. parehong hindi masamang sitwasyon yan kung kaligayahan mo yung pinaguusapan.

.. at alam mo kung papano nagiging sobrang mali ang isang mali? pag pinipilit mong itama ‘yun para lang sa ikaliligaya ng ibang tao, kahit na hindi ka naman masaya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “makinig”

  1. .. at alam mo kung papano nagiging sobrang mali ang isang mali? pag pinipilit mong itama ‘yun para lang sa ikaliligaya ng ibang tao, kahit na hindi ka naman masaya.

    nakakarelate ako dito bossing… minsan ko ng ginawa ang ganyang bagay… dahil pakiramdam ko noon napakarami ko ng ginawang pagkakamali sa buhay…

    hindi maganda ang pakiramdam, pero eventually nakuha din sa mind conditioning system… :nod:

  2. korek!..may isinakripisyo ako maging masaya lang ako..no regrets!

    pero tinanong ako: totoo nga bang kasiyahan yan kung alam mong may nasasaktan ka sa kasiyahan mong yan?…

    sumagot ako pero hindi ko sasabihin dito…ahihihi:p

  3. “kung alam mo ng dehado ka na, kung ramdam mo na na hindi ka na masaya pero ayaw mo naman tanggapin ang pagbabago, ang ibig sabihin lang nun kuntento ka na na ginaganun ka, mareklamo ka lang.” – nakakarelate po ako dito. paano nga po ba mag let go sa isang taong minahal mo ng sobra-sobra??? kahit sobra ka nang nasasktan ai amdyan ka pa rin sa tabi niya. kahit alam mong wala nang kinabukasan ang relasyong nyo ay umaasa ka pa rin. ano po ba ang maipapayo nyo??? salamat po!

    1. ‘wag mong sayangin ang buhay mo sa taong hindi ka naman kayang pahalagahan at hindi ka panghihinayangang mawala. malawak at walang pintong nasasarhan ang daan palabas ng isang relasyon kaya walang natitirang dahilan sa’yo para magbitiw ng salita pagdating ng araw na pinag mukha ka lang tanga ng isang tao dahil walang ibang makakagawa sa’yo n’yan kundi ang sarili mo lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s