kwento tungkol sa bagyo at suso ni valerie concepcion

puta sa lakas ang hangin, wala pang kuryente kanina pag alis ko sa bahay.  alas kwatro ako nagising andilim pa, tanchahan lahat ng galaw. parusa ang pagligo para akong maha hypothermia sa ginaw. antagal ko naghintay ng masasakyan na jeep, dalawang mutor ‘yung nakita kong sumemplang sa harapan ko dahil sa lakas ng hangin at mga sanga ng puno sa kalsada. seryoso, alam mo ng ganyan ang panahon tapos magmumutor ka pa? sana tinakpan mo na lang ng masking tape ang butas ng ilong at bibig mo sa loob ng kwarto mo para tahimik ka na lang namatay sa inyo, dagdag trapik ka pa sa kalsada.  kanina ko lang naranasan ‘yung ganun kalakas na hangin na wala ako sa loob ng bahay namin, literal na tinatangay ako. nasa alabang na ako nun naghihintay ng bus. nanginginig na ‘yung tuhod ko sa pagpigil na tuluyan akong itulak ng hangin papunta sa kalsada, pero bukod sa lahat, bukod sa natatakot ako sa kaligtasan ko mas nahihiya akong isipin ang kaitsurahan ko kung sakaling gumulong ako sa kalsada. nakakatawa siguro.
mabuti na lang naiapply ko ‘yung natutunan ko sa pakikipag away dati. pag may susuntok sa mukha ko at wala naman akong planong lumaban at wala ng oras para tumakbo, ang ginagawa ko na lang pinaghihiwalay ko ‘yung paa ko, isa sa harap at isa sa likod tapos pinofocus ko ‘yung timbang ko sa isang paa na kontra sa pwersa ng suntok. sa ganung “teknik” hindi ako matutumba. ganun ang ginawa ko sa hangin kanina, nahihirapan lang ako pag dire diretso ‘yung buga ng hangin na malakas napapaatras talaga ako, gusto ko ng gumapang sana o mag duck walk kaya lang ang inaalala ko baka ako lang sa buong kalsada ng alabang ang nakakaisip nun, nakakahiya.
agawan sa bus pero advantage s’yempre pag ahhhm hindi ka payat. diretso ang byahe pero mabagal ang andar. nagiingat daw ang drayber sabi ng katabi ko, sa tingin ko duwag lang s’ya. sa mga pagkakataon na ganyan, makakahanap ka ng panandaliang kaibigan. sinimulan akong kwentuhan ng katabi kong mama tungkol sa mga opinyon n’ya sa gobyerno at mga nalalaman n’ya tungkol sa bagyo. isang bagay lang ang tumatak sa isip ko at sigurado ako dito, langgonisa ang inalmusal n’ya kanina.
naalala ko tuloy nung kakatapos lang ng bagyong ondoy. kinailangan kong magbantay sa isang guest sa pinagtatrabahuhan ko dahil wala s’yang laptop at kailangan n’yang makigamit ng computer namin sa taas. pagkakita ko pa lang sa kanya alam ko ng isa s’yang tao na may sinasabi sa lipunan, kagalang galang. parang si manny villar ang itsura at dating n’ya. dalawa lang kami sa opisinang ‘yun.

Kamukha ni Manny Villar: kamusta iho, ano nga ulit name mo? pasensya ka na ha? i really need to check my stocks kase eh.
Jon Cabron: Jon po, ok lang po sir.
<katahimikan>
Kamukha ni Manny Villar: grabe ‘yung bagyo no? nasa states kami, me and my family nung andito ‘yung bagyo at nung nakita namin sa television, terrible!
Jon Cabron: grabe nga ‘yun sir, sa nakalipas daw na 30 years iyon na ang pinakamalakas na dumaan dito sa pilipinas (paintelekwal ako syempre)
Kamukha ni Manny Villar: really? ‘yung dinaanan nga namin, me and my family papuntang baguio, jesus christ! sarado dahil sa baha kinailangan pang umiba ng route ‘yung bus na sinasakyan namin.
Jon Cabron: grabe nga talaga sir.
<katahimikan>
Kamukha ni Manny Villar: nung last na uwi namin, me and my family. nanood kami ng show ni willie sa channel 2, ‘yung wowowee.. ang saya.
Jon Cabron: oh talaga sir?
.. kinuwento n’ya kung gaano ka VIP dun pag galing ka ng ibang bansa, kung anong nangyayari sa set pag commercial na, pinagtanggol n’ya si willie dahil mabait naman daw ‘yung tao sinisiraan lang.
Kamukha ni Manny Villar: at si valerie concepcion? anlaki ng suso, iho! ansarap siguro nun, bata pa e.
Jon Cabron: ah talaga ho naman.
<katahimikan>
Kamukha ni Manny Villar: naiinis ako d’yan kay trina, napanood mo na ba ‘yun? oo, naman sa computer ka nagtatrabaho eh. paiyak iyak pa s’ya e samantalang nung niyayari s’ya ni holden ba ‘yun? sarap na sarap s’ya.. sinusubsob pa nga n’ya ‘yung sarili n’ya sa bibig ni holden. di ba?
Jon Cabron: oo nga po.
<katahimikan>
Kamukha ni Manny Villar: ambagal naman ng internet n’yo e, libre na ‘to.
Jon Cabron: may problema pa po kase dahil dun sa bagyo.
Kamukha ni Manny Villar:
oh kaya nga.

<katahimikan>

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “kwento tungkol sa bagyo at suso ni valerie concepcion”

  1. ganyan ba kalakas ang bagyo dyan? tsk!!

    natawa ko dun sa teknik mo sa hangin hehehe

    yun kamukha ni manny villar lakas din ng bagyo ! inuto ka lang😆 libre?😀

    at hindi sya mahilig sa tsiks wata!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s